Tadhana (1)

9.4K 255 99
                                    

"Naniniwala ka ba sa mga Tadhana? Or Destiny?"

Glaiza suddenly looked at Rhian after niyang marinig yun. Nakatingin si Rhian sa malayo. Seryoso ito.

Medyo natawa naman si Glaiza. "Bakit mo naman natanong yan? Seryoso kapa.. May pinagdadaanan ka ba?"

Rhian looked at her. "No. This is serious. Do you believe that Destiny really exists?"

"Ikaw ba? Naniniwala ka ba?"

"Wag mo ngang sagutin ng tanong ang tanong ko." Medyo natawa si Rhian tapos nag-look away at tumingin nanaman sa mga puti at dilaw na ilaw na nanggagaling sa ibat ibang buildings from Glaiza's condo.

Nasa condo sila ngayon ni Glaiza at mula nga sa balcony ng condo ni Glaiza, sobrang ganda ng mga ilaw from buildings since 9ish pm na. Glaiza asked Rhian kung pwede muna itong magsleep over sa Condo niya since wala siyang kasama. As expected, pumayag naman ito.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Glaiza tapos tiningnan na din niya ang view from her Balcony. "Well, I do believed na everything happens for a reason. Pero, di ako naniniwala na nageexist nga talaga yang Destiny so, No. Di ako naniniwala sa Tadhana tadhana na yan." She said.

Rhian smiled. "Then, What if meron?" She looked at Glaiza.

Nilingon din ni Glaiza si Rhian. "Walaaa. Trust me, Walang Destiny."

"I believed na meron.."

"Naniniwala akong wala." Glaiza exhaled. "Tulad ng sabi ko, Everything happens for a reason but not everything really destined na mangyari. Well, maybe may reason kung bat nangyayari ang mga bagay bagay sa mundo pero I don't think tadhana ang may gawa nun."

Tango nalang ang isinagot ni Rhian. She sighed. "So, sa tingin mo, there's a reason kung bakit in-end agad nila yung TRMD?" She slightly laughed.

Glaiza sighed too, "Well... Oo. May reason. Hindi lang siguro nila sinabi sa atin yung tunay na reason pero alam kong meron."

"Hmmm.. I already miss the moments while we're on set." Rhian said habang nakatingin pa din sa malayo.

Glaiza just looked at her.. Masyado siyang nagtataka. Iba yung aura ni Rhian ngayon. Nagssmile ito pero sigurado siya na may gumugulo dito.. Or, maybe may something na nakakapagpalungkot dito.. Alam niyang may mali kasi hindi bubbly si

Rhian nitong mga nakaraang araw.

"Rhian tell me. May problema kaba?"

Rhian didn't say anything. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.

Nakatingin lang si Glaiza sa kanya at naghihintay ng sasabihin niya..

"I love the view here. It's so relaxing." Rhian finally said.

Napailing si Glaiza. "Hindi naman yan yung gusto kong marinig dahil--"

"I'll miss this." Rhian said so napa-stop bigla si Glaiza.

Iba talaga eh.. Glaiza thought.

Rhian exhaled. At tumingin siya kay Glaiza. She smiled, "Thankyou for asking me to sleep with you tonight."

Napakunot naman ang noo ni Glaiza. "Hindi naman na bago. Halos lagi kayong nandito ni Chynna kapag may taping tayo.. Dati.." She said na medyo nag-alangan pang sabihin yung 'Dati'.

Nilapitan ni Rhian si Glaiza at hinawakan ang kanang kamay nito. Nabigla si Glaiza dun pero naisip niya na normal lang naman yun..

"I have a favor.." Rhian smiled. Hindi pa sumasagot si Glaiza e nagsalita na ulit siya. "Pwede bang tabi tayo sa kama mo?"

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now