Somebody's Me (3)

6.1K 178 30
                                    

"Love." Tawag ni Glaiza kay Rhian dahil kanina niya pa ito napapansing ngumingiti ngiti habang nakatutok sa phone nito. Halatang may katext ito dahil kanina pa ito pindot ng pindot sa phone.


"Love?" Inulit ni Glaiza ang pagtawag niya sa Girlfriend niya.

"Hmm?" Rhian said at nilingon lang nito saglit si Glaiza tapos sa phone na ulit.


Glaiza sighed. "Sino ba yan?" Medyo parang naiinis na tono yun.


"Si Matt..." Rhian smiled habang patuloy pa rin sa pagpo-phone.


Napakunot ang noo ni Glaiza. "Sinong Matt?!" Medyo pasigaw naman yun so nabigla si Rhian kaya tiningnan niya si Glaiza.


"Si Matt. Yung cousin ko. Si Matt Henares, yung nagluluto sa RK mo." Rhian said. "Why? Bat ba parang galit ka?"


Naglook away si Glaiza pero di nababago ang reaksyon niya. Para pa rin siyang naiinis.


"Hey Lovelove, bakit?"


"Kanina ka pa kasi cellphone ng cellphone. Kanina ka pa nakatutok diyan at pangiti ngiti." Glaiza said na parang nagtatampo yung boses.


Di napigilan ni Rhian ang mapangiti sa nakikita niyang pagseselos ni Glaiza.

Ibinaba niya ang phone niya sa may bedside table at lumapit lalo siya sa Girlfriend niya at niyakap ito sa bewang.


"Yung pinsan ko kasi yung katext ko Lovelove ano ka ba." Rhian said na medyo natatawa.


Pero medyo nagtatampo pa rin si Glaiza. Hindi niya tinitingnan si Rhian na nakayakap ngayon sa kanya. "Kanina ka pa ngiti ng ngiti. Anong iisipin ko?"


Napangiti lalo si Rhian. Tiningnan niya sa mga mata si Glaiza kahit hindi nga ito nakatingin sa kanya.


"Ang cute mo magselos." Rhian said habang nakatingin pa rin kay Glaiza.


Glaiza sighed. Lalo siyang nag-look away. "Hindi ako nagseselos." She said.


"Really?" Medyo natawa si Rhian dahil ang obvious namang nagseselos si Glaiza. "Lovelove, cousin ko si Matt. Pati ba naman cousin ko pagseselosan mo? I told you. Ikaw lang Lovelove ko... Diba for keeps tayo?"


Nagbuntong hininga nanaman si Glaiza at di na niya napigilang tingnan ang Girlfriend niyang yakap yakap siya. "Di naman ako nagseselos e."


"Weh? Hindi daw? Eh bakit ang salty salty mo?"


Napalunok si Glaiza. "Napapaisip lang naman kase..."


"Napapaisip ng what?"


Naglook away saglit si Glaiza. "Na... B-Baka hindi ka ngumingiti ng katulad ng pagngiti mo kanina kapag ako ang nagtetext sayo. Napapaisip lang ako kung ngumingiti ka rin ba kapag.... kapag ako ang katext mo."

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now