Unbreakable (3)

10.3K 237 34
                                    

"Sasama ka sakin today Glai?" Rhian asked Glaiza after niyang mag-ayos ng gamit niya dahil katatapos lang nanaman ng taping nila.

"Ikaw bahala." Nagsmile naman si Glaiza habang inaayos ang gamit niya.

"I thought magpapaturo ka mag-race?" Natawa naman si Rhian.

"Sure ka? Baka mahirapan ka pa. Tsaka wala ka bang appointment ngayon? Baka makaistorbo pako." tiningnan naman ni Glaiza si Rhian.

"Wala. Wala akong appointment. Nakasave talaga yung time ko for you."

Kinilig nanaman si Glaiza. "Oo na oo na. Ayan ka nanaman Rhian Ramos."

Natawa naman si Rhian. "Kinikilig kaaaaaa. Aminin mo."

Natawa din si Glaiza. "Baliw. Hahahahaha. Tara na nga."

Lumabas na sila ng tent at nagpaalam na sa mga staffs and kay direk.

Pupunta na sana sa sasakyan ang dalawa nang makita sila ni Chynna na papunta na rin sa sasakyan nito.

"Guys! San lakad niyo? May date kayo ngayon?" sabi ni Chynna tapos tumawa.

"Oo. Date namin yung tuturuan ko na tong si Glaiza magrace." Natawa si Rhian.

Natawa din naman si Glaiza. "Ikaw Chynna? Uuwi kana?"

"Kung sasabihin ko bang sasama ako sa inyo pasasamahin niyo ba ko? Hindi naman diba?" Natawa nanaman ito. "Joke lang. Hindi naman talaga ako sasama dahil ayokong makaistorbo sa loving loving niyo."

Natawa naman sina Glaiza at Rhian.

"Siya sige na. Baka nagmamadali kayo. Una na ko. Mag-ingat kayong dalawa ha. Parang uulan pa naman." Tinuro nito ang langit tapos nagpaalam na. "Glaiza umayos ka. Rhian ikaw din." Tapos natawa at tuluyan ng umalis.

Napailing naman si Glaiza. "Ang kulit talaga nun."

"Hahaha. Hayaan mo na." Sumakay naman na si Rhian sa kotse ni Glaiza.

Natawa nalang si Glaiza at sumakay na sa driver's seat.

//

Pumunta na sila sa may track kung san nagrerace si Rhian. Well, sobrang laki nung lugar. Wala namang tao kaya sakto.

Pagdating nila sa place, pinakilala agad ni Rhian yung instructor niya kay Glaiza tapos sinabing magppractice siya together with her. Pumayag naman ito.

Pinakilala din ni Rhian ang pinakamamahal niyang sasakyan kay Glaiza. Ang Vios. Yun yung naisip niyang gamitin at ituro kay Glaiza ngayon dahil special tong car na to sa kanya.

"Ang ganda naman nito.." Hinawak hawakan naman ni Glaiza yung Vios na car nga ni Rhian.

"Matagal na kaming nagsasama niyan. Buti nga yan hindi ako iniiwan." Medyo meaningful naman na sabi ni Rhian.

Napatingin naman si Glaiza sa kanya. "Yung totoo Rhi? Hindi ka pa rin nakakamove on sa ex mo no?" Masakit yung tanong na yun kasi alam naman niya ang sagot. Pero ewan niya. Gusto niya pa rin atang manggaling mismo sa bibig ni Rhian yung sagot sa tanong na yun.

Nagbuntong hininga naman si Rhian. "You know what Glai, to be honest, masyadong masakit pa rin because he left me without any reasons. Basta lang tinapos sa 'Break na tayo.'.... You know what I mean? Parang.. Mapapatanong ka nalang sa sarili mo ng.. Anong ginawa ko? Bat agad agad? Yung mga ganun..." Rhian looked at Glaiza. Ganun din si Glaiza sa kanya.

See Glaiza? Yan ang sagot. Nasasaktan pa rin siya. Nagtanong tanong kapa kasi.

"Well... So, hindi ka pa rin nakakamove on?"

RASTRO FEELSΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα