Air (2)

6K 173 26
                                    

Hindi niya mapigilang mapangiti habang kaharap ang phone niya...


Nasa byahe na siya ngayon papuntang CCP dahil sa Cinemalaya. Nandun din si Rhian at hinihintay na siya malamang dahil may usapan silang manunuod siya ng Silong nito... Kahit humabol pa siya basta manunuod siya.


At ngayon nga, nagpapalitan nanaman sila ng tweets ni Rhian... Kinikilig siya kahit wala namang kakilig kilig sa pinaguusapan nila. Yung para bang makapalitan niya lang ito ng tweets, moment na para sa kanya.

Glaiza de Castro @glaizaredux :

Mainam, mainam binibini. Ako'y kasalukuyang lumalakbay papuntang CCP. Nagagalak ako sa iyong tagumpay. @whianwamos https://t.co/Ko17otUJel

At nakaka-proud. Glaiza thought.

Nagbuntong hininga siya at parang napaisip.... She tweeted,

Glaiza de Castro @glaizaredux :

Ngunit manonood muna ako ng Maria, pagkatapos nun, ako'y nininja na. #ninjamoves #silongninjangmaria


Natawa pa siya pagtapos niyang i-tweet yun. Nininja na. Nininja para sayo Rhian Ramos.




"Mukhang maganda ang pagkakangiti ng kapatid ko ah."


Nabigla si Glaiza dahil bigla siyang pinansin ni Ate Cris na katabi niya ngayon sa van.

Pinatay niya ang phone niya at tiningnan si Ate Cris na kunware walang dahilan ang pagkakangiti niya.


"Ngumingiti? Wala naman..." She said


Ngumiti si Ate Cris na parang naghihinala kay Glaiza. "Akala mo hindi ko napapansin?"

Napakunot ang noo ni Glaiza. "Alin?"

"Kay Rhian." Diretsahang sabi ni Ate Cris. 2 words lang yung sinabi niya pero sobrang dami na niyang pinaparating dun na alam naman na agad ni Glaiza at naiintindihan niya kung anong gustong sabihin ng Ate niya.

Napalunok si Glaiza.... Saglit niyang tiningnan si Nanay Cristy na nasa harap ng Van at kasalukuyang natutulog.

Tiningnan ulit ni Glaiza ang Ate Cris niya. "Mahirap." She said.

Tumango tango si Ate Cris meaning, naiintindihan niya ang gustong sabihin ni Glaiza.

"Alam ko. Nararamdaman kong nahihirapan ka.... Pero hanggang kelan mo itatago?" Ate Cris asked her.

Nag-look away si Glaiza. Sinandal niya ulit ang ulo niya sa may bintana nung Van. "Hanggat sinasabi nilang itago ko."

"Hindi ka naman umaamin sa kanila diba? Kay Nanay..... Hindi niya alam."

"Matagal ko ng nararamdamang alam ni Nanay... Lagi niya kong tinatanong pero humihindi lang ako kasi alam ko namang hindi siya papayag." Napalunok si Glaiza. "Alam kong alam niya Ate Cris... Alam kong nararamdaman na din ni Nanay pero kahit ganun, ayoko. Hindi ako magsasabi ng kahit na ano. Duwag pa ko... Natatakot akong sirain yung tiwala ni Nanay sakin."

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now