CONTINUATION 1.0

6.2K 187 57
                                    

From: Jason
Naihatid na yung mommy ko sa hospital. Okay na siya Rhian. Ina-update lang kita. Pasensya ulit kanina, emergency talaga eh.

From: Jason
Sorry talaga Rhian kung di na kita nahatid pauwi. Sabi mo rin kasi magpapasundo ka nalang kay Glaiza eh. Sana nakauwi kayo ng safe.

From: Jason
Good morning, Rhian. Kamusta? Hindi ka na nagtext kagabi.

From: Jason
Magtext ka pala tapos tatawagan kita :)

Rhian exhaled. Bakit walang good morning text from G? Wala na ba talaga? Seryoso ba siya dun?!

From: G Vibes ♡
Okay. Hintayin mo nalang ako diyan.

Yun yung huling text ni Glaiza at kanina pang madaling araw yun. Yun yung reply ni Glaiza sa kanya nung tinext niya yung location kung nasan siya para magpasundo.

Malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan niya tapos tumihaya ng higa at pinagmasdan yung kisame.

Parang bigla niyang narinig yung boses ni Glaiza sa utak niya. Parang bigla niyang narinig yung usapan nilang dalawa kagabi. Parang biglang bumalik at pinapamukha lalo sa kanya.

"Nasasaktan ba kita?"

"Paulit ulit, Rhian... Walang araw na hindi mo ko nasasaktan. Araw araw akong nasasaktan dahil sayo pero nagppretend ako na hindi. Nagppretend ako na okay lang kasi mahal kita. Nagppretend ako na hindi ako nasasaktan kasi ayaw kong maghanap ng dahilan para iwan ka.."

"Sobrang hirap mong mahalin Rhian, totoo yun. Mag-aagree ako dun... Sobrang hirap mong mahalin."

"Glaiza, I love you."

"Naibuhos ko na lahat ng paniniwala ko sa mga peke mong I love you, Rhian. Wala na kong maramdaman sa ngayon....."

"Happy Valentine's, Rhi. Magiging masaya nalang din ako kung saan ka sasaya."

Mula kaninang madaling araw na nangyari yun, ngayon lang naramdaman ni Rhian na nag-react ang mga mata niya.... ngayon niya naramdaman yung tubig na gustung gusto niyang lumabas kanina pa. Ngayon lang nagsisink-in sa kanya lahat. Ngayon lang niya napapagtanto na nakasakit siya ng sobra. Ngayon nagrereact yung nga mata niya at nagsisimula na rin siyang manginig. Nararamdaman na din niya yung sakit ng puso niya dahil sa nangyari...

Bakit ako nasasaktan? Bakit ako ganito? Ako naman may kasalanan nito e. This is all my fault. Hindi ko binibigyan ng halaga si Glaiza... Nasaktan ko si Glaiza ng sobra. Sino ba namang hindi mapapagod sakin? Napakahirap kong mahalin. Napakahirap kong intindihin. Hindi na kaya ni Glaiza na magpretend na naiintindihan niya ko, na hindi siya nahihirapan sakin. Hindi na niya kaya, Rhian. Sinukuan ka na niya. Hindi ka na dapat nagtataka diba? Ikaw ang may kasalanan kung bakit to nangyari. Ikaw ang may kasalanan kung bakit humantong sa ganito....

Nanlalambot si Rhian. Hindi niya alam kung kaya niyang tumayo ngayon mula sa pagkakahiga. Parang wala siyang gana sa lahat. Hindi niya alam kung bakit ganito... Hindi niya kayang i-handle yung nararamdaman niya. Nasasaktan din siya....

Ring... Ring...

Bigla siyang napalingon sa phone niya at nag-expect ng isang pangalan na makikita niya sa screen.

...pero ewan niya kung bakit nadisappoint siya bigla e lagi naman ng tumatawag sa kanya ang taong to.

Nagdalawang isip siya kung sasagutin niya pero alam niyang maninibago to kung irereject niya.

"Hello Rhian?"

"Hey." Matamlay na bati ni Rhian.

"Kamusta? Di ka nagtetext?"

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now