Strings (4)

5.4K 164 50
                                    

She sighed habang pinagmamasdan ang isang box nanaman ng TimTam, a ham and cheese sandwich and a sterilized milk na nilagay niya sa dining table. Binasa niya yung note na nakalagay sa box ng TimTam..


Hi miss! :)


Sorry kung medyo napapasakit ko na yung ngipin mo or nasisira ko na yung diet mo sa araw araw na TimTams. Favorite mo kasi yan e :) Ingat ka ngayong araw! Smile ka para goodvibes Ü

-L


Napalunok siya.. Naka-1week na ata tong kung sino man sa pagbibigay ng mga ganito sa kanya tuwing umaga sa harap ng unit niya, o minsan nasa kotse niya. Hanggang ngayon, hindi niya pa din alam kung sino.


Pero nung SAS nila last sunday, she asks Lovi about this, sabi ni Lovi hindi daw to kasama sa plano. So hindi si Lovi ang nagbibigay ng ganito sa kanya. Hindi niya lang alam kung sinabi ba yun ni Lovi para di mahalata or what.

Nung SAS din last sunday, hindi niya makalimutan yung paglapit ni Glaiza sa kanya before ng performance niya..


** FLASHBACK **



"Yung mga kasama po sa Ariana Grande Playlist, magsisimula na po in 5 minutes!" Sigaw ng isang staff sa kanila sa backstage.

Pinapagpag niya yung kamay niya pampawala ng kaba nang lumapit si Lovi sa kanya at biglang hinawakan yung kamay niya so nagulat siya.

She looked at Lovi na parang nagtatanong, 'Anong ginagawa mo?'


Lovi smirked. "Nasa paligid yung ex mo. Go with my flow." Bulong nito.

Napakunot ang noo ni Rhian at tumingin sa paligid. And Lovi's right. Nasa paligid si Glaiza and nasulyapan niyang nakatingin ito sa kanila.

"Stop this." Bulong niya kay Lovi.

"Ang cute cute mo talaga!" Medyo malakas yung boses ni Lovi nung sinabi yun.... Well, obviously, para iparinig kay Glaiza. "Sabi mo cute ako? Mas cute ka kaya!" Natatawa tawa pa si Lovi habang nagpaparinig kay Glaiza.

"Hey. Ito ba yung plan mo?" Bulong nanaman ni Rhian kay Lovi dahil hindi niya maintindihan kung ano tong ginagawa ni Lovi.

"Go with my flow." Bulong din ni Lovi at nag-smile ito sa kanya.


Hinawakan ni Lovi ang kamay ni Rhian nang mahigpit. "Ang lambot lambot ng kamay mo!" Medyo malakas nanaman yun para iparinig kay Glaiza. "Ang swerte ko naman at hawak hawak ko to ngayon." Lovi kissed Rhian's hand tapos natawa after.


Nabigla si Rhian sa pinaggagagawa ni Lovi. Sumulyap siya kay Glaiza at nakatingin pa din ito sa kanila. Hindi niya madefine ang reaction nito habang nakatingin sa ginagawa ni Lovi sa kanya.


"I love you!" Lovi said. "Goodluck satin mamaya ha?" Kinindatan pa siya nito.

Napalunok siya. Oh my God Lovi...


Hinigpitan ni Lovi ang pagkakahawak sa kamay niya na parang sinesenyasan siya na sumagot sa 'I love you'.


Walang nagawa si Rhian so she said, "I love you too. Let's do this." She smiled but of course, it's fake. She's good at that.

RASTRO FEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon