Bring It Back (4)

4.7K 177 54
                                    

Napalunok si Glaiza nang biglang ipatong ni Rhian ang kamay nito sa tiyan niya na parang yakap yakap siya.

Natutulog na si Rhian at tabi sila ngayon. Napailing siya at pilit inaalis ang kamay ni Rhian na nakapatong nga sa tiyan niya. Naiilang siya. Hindi niya alam kung bakit pero naiilang siya....



"Hmmmm...." Nakapikit pa rin si Rhian at lalo lang hinigpitan ang yakap kay Glaiza. Natutulog pa rin siya.



Napalunok ulit si Glaiza at hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang isiksik ni Rhian ang ulo nito sa may bandang leeg niya.



Ganito ba talaga to matulog? Ang likot. She thought.



Pinilit niya ulit alisin yung kamay ni Rhian sa tiyan niya pero di na niya magawa dahil sobrang nakayakap na ito.


"Uhm..." She exhaled. Gusto niya itong gisingin.


Ano nga ulit pangalan nito? She thought again. 


Umiling siya. Rhian... Rhian yung pangalan niya...



"Uhm, R-Rhian....."




"Hmmmm.. L-Lovelove..." Rhian said pero nakapikit pa rin ito at parang natutulog pa.



Napakunot ang noo ni Glaiza. "L-Lovelove?"


Parang palagi kong naririnig sa kanya yun. Sino ba si Lovelove?



"I love you." Rhian said. Natutulog pa din ito at parang wala ata sa wisyo. "I love you Lovelove. Ikaw lang ang mamahalin ko.... Thank you sa effort and sa Love na ipinapadama mo sakin...." Lalong niyakap ni Rhian si Glaiza pero parang hindi ata niya alam ang ginagawa niya. "Lagi mong pinapadama na mahalaga ako. And I love you so much. Ang swerte swerte ko sayo.. Ayoko ng mawala ka pa. I love you. You have no idea. Mahal na mahal kita and I don't know kung paano ko mapapatunayan sayong mahal kita... Mahal na mahal kita Glaiza. Sobrang swerte ko talaga sayo. Thank you so much for everything Love..."




Napalunok si Glaiza.


'Mahal na mahal kita Glaiza.'




Glaiza? Ako si Glaiza diba?


Napalunok ulit siya dahil naguguluhan siya sa pinagsasabi ni Rhian.


Hindi niya alam sa sarili niya dahil ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya...


Kinakabahan o ano, hindi niya alam. Hindi niya alam kung bakit ganito. Kung bakit parang may iba....


Umiling siya. Mabilis niyang inalis ang kamay ni Rhian sa tiyan niya dahil hindi niya na alam... Naiilang siya. Iba ang nararamdaman niya.




Mabilis siyang tumayo sa kama at lumabas ng kwarto.


RASTRO FEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon