Take A Break (6)

6K 175 54
                                    

Ininom ko yung coffee ko dahil katatapos ko lang magpa-ayos dahil scenes ko na daw yung kukunan.

I am looking at Glaiza and Chynna right now. Nagpapack-up na sila. Nag-hi si glaiza sakin kanina. Pero nababaliw na ata talaga ako dahil hindi man lang ako nagbigay ng smile sa kanya.

Ganito pala talaga nafifeel ng mga nababasted. Masama yung loob..

Yung feeling na basted kana nga tapos makikita mo pa yung picture ng taong gusto mo kasama yung manliligaw daw sa kanya.

Ugh.

Napansin ata ni Chynna na nakatingin ako sa kanila so nilapitan niya ko.

"Rhian okay ka lang?" She asked.

I looked at her. "Bakit ang aga niyo mag-pack up?"

"Ah, nagpaalam na kami kay Direk. May pupuntahan kasi ako ngayon so baka bukas nalang ulit next scenes ko. Si Glaiza naman, ang alam ko may flight siya pa-Dubai mamaya. Di ko alam kung tour ba o ano."

Nagulat naman ako. Muntik ko na ngang maibuga yung coffee na iniinom ko.

"Pa-DUBAI?! Mamaya na?! Bat ang bilis?"

"Bat ba gulat na gulat ka? Hindi niya ba nababanggit sayo?"

Napaisip ako.. Tinatry ba ni Glaiza na banggitin sakin pero hindi ko lang siya pinapasin?

Hay nako Rhian Ramos ano ka ba naman!

"Pero.. Wait, seryoso? Ilang araw naman siya dun?"

"Ewan ko eh.. Teka nga.." Tiningnan naman niya si Glaiza na busy sa pagpapack-up tapos sumigaw siya. "HOY GLAIZA! ILANG ARAW KA DAW BA SA DUBAI?!"

Nagulat ako sa ginawa ni Chynna. Hindi ko ineexpect na isisigaw niya kay Glaiza yun.

Napatingin naman bigla si Glaiza sa amin na halatang nagulat din. Well siguro di niya akalain na tatanungin ko kung ilang araw ba siyang magsstay sa Dubai..

"Uhmm, 1 week." Matipid yung sagot niya.

Nabigla naman ako.

1 week? Tapos mamaya na siya aalis? Kamusta naman yun! Medyo matagal na kaming di naguusap tapos aalis siya mamaya?

I sighed. "Uhmm.. Ingat ka dun." I said tapos yumuko ako.

Narinig ko yung tawa ni Chynna. "Parang may nassmell akong something ha? Sige magusap muna kayong dalawa... Lalabas lang ako." She said tapos umalis na siya.

Naramdaman ko namang lumapit si Glaiza sakin. Napatingin ako sa kanya.

Nagulat ako nung niyakap niya ko.

Ramdam na ramdam ko yung higpit ng pagkakayakap niya..

"Namiss kita Rhian. Bakit ba di moko masyadong kinakausap?" Sabi niya habang nakayakap pa din sakin.

Gusto kong maiyak. Gusto kong maiyak sa yakap niya... Gusto kong maiyak kasi niyakap niya ko.. Wala to sa script. At namiss ko to..

"Rhian, sabihin mo naman sakin.." Bumitaw siya sa pagkakayakap at tiningnan ako. "May nagawa ba ko?"

Nakatingin ako sa mga mata niya..

Tinitingnan ko lang yung mga mata niya pero may kung ano ng nagwawala sa puso ko..

"W-Wala naman. Medyo bipolar nga ako.. So sorry kung di kita nakausap nung mga nakaraang araw.. Wala ka namang ginagawang masama.."

You lied Rhian.

Binasted ka niya. Diba pinamukha niya sayong may boyfriend ka kaya ka ganyan? Tapos nagpapaligaw na siya ngayon kay Benjamin.. Diba nga kaya ka nageemote?!

RASTRO FEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon