Air (9)

6K 222 56
                                    

OCTOBER 3, 2015






"Cha."

Hindi nilingon ni Glaiza ang Ate Cris niya na kanina pa siya tinatawag at gustong kausapin.

Lumapit ito sa kanya. "Glaiza naman. Kausapin mo na nga ako."

"Mag-aayos na muna ko. Lalabas na kami ni Rhian sa stage." Hindi pa rin nilingon ni Glaiza ang Ate Cris niya at pupunta na sana siya sa dressing room para magbihis nang hawakan ni Ate Cris ang braso niya at pigilan siya.

"Sabihin mo saking hindi ka seryoso sa binabalak mo Cha."

Napalunok si Glaiza. Wala na siyang choice kaya tiningnan niya si Ate Cris.

"Sinabi ko na to sayo Ate Cris. Seryoso ako dito. Gagawin ko na ang gusto ko sa harap ng maraming taong nandito na nanunuod ng concert ko. Sasabihin ko na sa kanila ang totoo." Glaiza said at akmang aalis na nang pigilan nanaman siya ni Ate Cris.

"Nanunuod si Nanay!!!" Ate Cris shouted.

Napa-stop si Glaiza.

"Hindi mo ba naiisip yung mararamdaman niya kapag umamin ka ng magkarelasyon kayo ni Rhian?! Selfish ka Glaiza! Hindi mo iniisip na masasaktan siya--"

"Kayo ba?! Inisip niyo ba yung mararamdaman ko?!" Nilingon nanaman ni Glaiza si Ate Cris at halatang napupuno na siya. Naiinis na siya at eto na nga... Lumalabas na yung inis na matagal na niyang kinikimkim. "Inisip niyo ba yung mararamdaman ko sa mga gawaing hindi ko naman talaga gusto pero gustung gusto niyong ipagawa sakin?! Nahihirapan nako pero ayokong sumuway sa kagustuhan niyo dahil alam kong masasaktan ko kayo. Selfish yon?! Ginawa ko yung gusto niyo kasi dun kayo sasaya! Selfish ba para sa inyo yon?!" Hindi na napigilan ni Glaiza ang luha niya... Naiyak siya habang kausap si Ate Cris. "Hindi niyo ko hinayaang maging masaya. Pinipilit niyo kong papuntahin sa mundong hindi ko naman talaga gusto... Pinipilit niyo kong gawin ang mga bagay na kayo lang yung sasaya. Masakit sakin pero ginawa ko pa rin. Tapos ako pa rin yung selfish? Sobra naman na ata."

"Anong sobra--"

"Akala mo ba hindi ko pa alam Ate Cris ha?! Nung mga panahong ayaw niyo kaming paglapitin ni Rhian, natawag siya sakin. Tinatawagan niya yung phone ko dahil gusto niya kong makausap pero binababaan niyo siya at kung hindi man, sasagutin niyo nga pero pagagalitan mo lang siya." Nagbuntong hininga si Glaiza. "Bakit? Bakit niyo yun ginagawa? Ipinaglalayo niyo kami ng sobra. Dahil ano? Dahil nararamdaman niyong meron na ngang iba tama ako? Pati kayo alam niyong may iba na sa aming dalawa kaya gusto niyo na lumayo ako sa kanya. Sinabi mo rin kay Nanay yung sinabi ko sayo na iba na yung nararamdaman ko para kay Rhian kaya lalo siyang nagalit sakin at sinabi niya rin kay Z yun at dun na nagsimula ang lahat ng ito." Pinunasan ni Glaiza ang luha niya. "Pinaghigpitan niyo ko. Pinaghigpitan ako ni Z."


"Glaiza pansamantala lang naman yang nararamdaman mo e. Hindi mo naman talaga mahal si Rhian e. Nadadala ka lang sa gusto ng mga fans niyo para sayo. Nadadala ka lang sa kagustuhan nila para sayo pero di ka naman talaga ganyan."


"Tama." Lumabas bigla si Z sa isa sa mga rooms dun at lumapit sa dalawa.

Napatingin si Glaiza kay Z. Bigla nanamang uminit ang dugo niya. Si Z talaga yung isa sa mga nagpapahirap sa kaniya.

Z looked at her too. "Tama ang Ate Cris mo Glaiza. Bakit di ka maniwala sa kanya? Nadadala ka lang sa kagustuhan ng mga fans niyo para sayo pero di ka naman talaga ganyan.. Hindi mo naman talaga mahal si Rhian e. Nadadala ka lang."


"Nadala niyo rin naman ako sa kagustuhan niyo para sakin pero hindi naman talaga ako ganun diba?" Glaiza exhaled. Tiningnan niya si Ate Cris. "Ate Cris, ito ako. Ipaglalaban ko to. Mahal ko si Rhian at kung ayaw niyong maniwala, okay lang. Hindi niyo alam ang tunay kong nararamdaman. Husgahan niyo ko hanggat gusto niyo." Tiningnan niya si Z. "At ikaw, pagod na ko sa mga utos mo. Husgahan mo rin ako at ipagkalat mo pa sa kanila. Tutal kontrabida ka naman eh. Kontrabida ka sa buhay namin ni Rhian--"




RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now