The other way around (5)

10.9K 302 26
                                    

"Hi girlfriend." Bati ni Glaiza kay Rhian pagdating niya sa set nung araw na yun.. Nagbeso siya kay Rhian at binigyan naman siya nito ng ngiti.

After nung "Condo Moment" na yun na umamin na nga si Glaiza kay Rhian na akala ni Rhian ay joke lang, parang mas naging okay na si Glaiza na ganito nalang sila. Close na close. Parang nagsisi nga rin siya nung sinabi niya ang mga bagay na yun nung nasa Condo sila. Na-open na rin niya yun kay Chynna at sinabi nitong nagpa-dalus dalos nga daw siya. Tsaka okay na rin nga na ganito lang sila. Mas masaya naman silang ganito e. Yung close na close ulit. Pagtapos naman nung "joke" na pag amin na yun ni Glaiza ay di naman nagbago ang pakikitungo ni Rhian sa kanya. Baka nga talagang inakalang joke lang yung mga sinabi niya. Girlfriend pa din ang tawag sa kanya at minsan yayakapin nalang siya habang nasa set out of the blue. O kaya minsan sasabihin. "Please tell me you love me too." Out of nowhere. So parang nasanay na din si Glaiza sa ganun. Sa ganito. Para sa kanya may something. Pero Go with the flow nalang siya. Tutal masaya naman sila. Wala na siyang pakeelam sa iba.

"Kumain kana Rhi?" Tanong ni Glaiza kay Rhian na kasalukuyang nagpphone.

Nag-nod naman ito at tinanggal ang atensyon sa phone at sa kanya tumingin. "Yes. Kakakain ko lang. Ikaw? Kumain kana." Nag-smile ito.

"Busog pa ko. Thankyou. Ikaw inaalala ko."

"So pinapakilig mo nanaman ako? Ang harot harot mo talaga Glaiza." Natawa naman silang dalawa.

"So kinikilig ka naman diyan?" Ngumiti si Glaiza at sasagot palang sana si Rhian e may umextra nanaman sa moment nila.

"Ehem ehem. Hoy Glaiza kakarating mo lang bat di kapa nagapapa-ayos? Ano to? Moment muna kayo ni Rhian bago magpaayos at magshoot ha? Ang haharot niyo din ano?"

"Wait, I thought you are the captain of Jathea Ship?" Rhian asked Chynna so napatigil ito.

"JATHEA ship. Okay? Rastro kayo ngayon e. Sa JATHEA lang ako nakatoka hindi sa RASTRO." Medyo natawa naman ito. "Pero joke lang yun. Gustung gusto ko kayong dalawa para isat isa pero syempre trabaho muna. Tsaka di pa ba kayo nagsasawa sa pagmumukha ng isat isa? Ikaw Rhian? Di kaba nagsasawa sa mukha nito ni Glaiza?"

Nakatanggap naman siya ng isang malakas na palo sa braso mula kay Glaiza.

"Ang sama mo sakin!" sabi nito.

Natawa naman si Rhian. "Wag kang magalala. Mahal naman kita Girlfriend." Sabi ni Rhian kaya syempre kinilig nanaman si Glaiza.

"Weh? Mahal mo to? Kiss mo nga." Natatawang sabi ni Chynna kay Rhian.

Akala nila hindi tototohanin pero biglang lumapit si Rhian kay Glaiza at hinawakan ang mukha nito at kinissan ito sa ilong ng mga 3seconds tapos nagbigay pa ito ng sweet smile kay Glaiza.

Nagulat naman si Glaiza sa ginawang yun ni Rhian at Napatingin nalang naman si Chynna sa dalawa at napailing na napapangiti.

Pati siya kinikilig sa kaharutan ng dalawang to.

//

"Inlove na talaga kayo sa isat isa no?" Lumapit si Chynna kay Glaiza pagkatapos ng scene nila.

"Nasanay na ko. Ewan ko. Gusto ko ganito nalang."

"Ang sweet sweet ni Rhian sayo. Sabi ko naman sayo may tinatago din yun e." tapik nito sa kanya.

"Sana nga. Sana di na to matapos. Alam mo yun Chynna. Nasanay na kasi ako. Feeling ko nagiging true to life na yung The Rich Man's Daughter. Ang pagkakaiba lang... Walang tumututol saming dalawa. At doon ako masaya. Ewan ko."

"Baklang bakla kana kay Rhian Bestfriend! Lakas ng tama mo sa kanya."

"Binibigyan naman niya ko ng pag-asa e. So sobrang saya ko na rin ng ganito. Sweet siya sakin at ganun din ako sa kanya. Yung wala kaming pakeelam basta magkasama kami..."

"Hay nakoooo. Pag nalaman to ng mga Rebelde niyo? Baka mamatay mga yun sa kilig dahil totoo na pala yung sinusuportahan nila." Natawa si Chynna. "Basta.. Kahit anong mangyayari, kakampi niyo ko. Ako at ang mga Rebelde niyong baliw na baliw sa inyo."

Natawa nalang din si Glaiza sa sinabing yun ni Chynna.

//

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

AN: NAIMAGINE NIYO YUNG KISS SA ILONG?! Wahahzbwkzkqkzm NEBULIZER!!!!!

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now