Loving you (2)

8.5K 244 75
                                    

Nakarating naman sila ng safe sa Condo ni Glaiza kahit sobrang lumakas lalo yung ulan.


"Dalawa yung rooms dito. Yung isa, room ko. For two yung kama tapos yung isa guest room. Pang-isahan lang yung kama."

Natawa naman si Chynna. "So anong point mo?"

Napabuntong hininga naman si Glaiza. "Well, sino sa inyo yung sa guest room at sino ang tatabi sakin?"

Natawa naman lalo si Chynna. "Hindi na dapat tinatanong yan. Aba. Malamang kayong dalawa dapat yung magsama sa kwarto mo Glaiza. Tapos ako na sa guest room. Ito talaga oh. Wag ka ngang magpakipot pa diyan! Gusto mo din naman e!" Napapailing pa si Chynna habang natatawa tapos inayos na yung gamit niya. "Oo nga pala, pwede bang ako mauna sa banyo? Liligo na ko." nag-smile pa siya tapos pumunta na sa guest room na para sa kanya.


Naiwan naman ang dalawa na parang biglang naging awkward.

"Uhm.. So pwede ko na bang ilagay tong gamit ko sa room mo Glai?" Tanong ni Rhian.

Tiningnan naman siya ni Glaiza. "Room natin. Tutal tayo namang dalawa matutulog don." tapos nagsmile siya.

Hindi naman nakasagot si Rhian dahil siya naman ang kinilig ngayon.

"By the way, maghahanda na muna ako ng foods for us. Pagkatapos ni Chynna magshower, ikaw muna bago ako." Nagsmile na si Glaiza tapos pumunta na sa kusina para maghanda ng pagkain.

Napangiti naman si Rhian tapos pumunta na sa room ni Glaiza.



Naupo siya sa kama tapos nahiga siya saglit.



Imagine, matutulog kami mamaya ng magkatabi kami. Parang kakatapos lang namin i-shoot yung ganung scene sa TRMD ah? But... eto totoo. Totoo na matutulog kaming magkatabi mamaya.


Oh my Rhian! Don't tell yourself may malisya sayo yun? Eh si Bianca King nga lagi mong katabi matulog sa condo mo dati pero wala lang sayo e. Tapos si Glaiza....


Napapikit si Rhian..


There's something wrong....



//



Tapos na silang mag-shower lahat. Sumilip si Chynna sa bintana ng condo ni Glaiza at sobrang lakas pa rin ng ulan. Alas-10 na ng gabi pero parang palakas lang ng palakas yung ulan.

Hinigop niya yung coffee niya tapos tumabi siya sa dalawang busy na nanunuod ng Horror Movie.

Well, si Rhian may takip na unan yung mukha. Yung isang mata lang niya yung nakasilip dahil sa takot.

Si Glaiza naman yakap na yakap yung unan at concentrate na concentrate sa panunuod.

Magkatabi sina Glaiza at Rhian. Dikit na dikit nga si Rhian kay Glaiza dahil natatakot talaga ito. Naisip niyang picturan ang dalawa at ipost sa Instagram para sa mga Rebels pero mahina yung internet connection kaya di niya ito naipost.


"Alam niyo nakakatawa kayo. Nanunuod kayo ng Horror Movie tapos takot na takot din naman kayo." Sabi niya dito.

"Si Rhian lang kaya yung natatakot. Pinagtutugma tugma ko nga yung pangyayari e." Sabi naman ni Glaiza na nasa Movie pa rin yung mga mata.

"Eh talaga namang nakakatakot. Ehhh. Ano baaa. Baka mapanaginipan ko pa yan. Mabilis pa naman akong maparanoid sa mga ganyan." Sabi naman ni Rhian na takip na takip pa rin yung mukha.

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now