Strings (1)

8.9K 188 34
                                    

"Tapusin nalang natin to."

"Glaiza.. Please, No. Tell me kung anong nagawa ko.. I don't wanna lose you. Please.." She cried.

"Wala na Rhian. Sorry. Pero parang wala na kong nararamdaman. Gusto ko ring magfocus sa career ko."

"So Career yung pinipili mo? Iiwan mo ko because you want to focus on your career? Glaiza, hindi ka ba makakapagfocus sa career mo pag tayo? I mean, look, I love you. Ayokong mawala ka, please naman Glaiza, wag naman break up...." She held her arm na parang nagmamakaawa.

Hinawakan ni Glaiza ang kamay ni Rhian at inalis ang pagkakahawak niya sa braso nito..

"I'm sorry pero ayoko na talaga Rhian. Sana maintindihan mong di ko kayang pagsabayin. Sa Career ang focus ko ngayon so Sorry, Sorry kasi kailangan na natin tong tapusin."

Napalunok si Rhian. Halo halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Naiinis, Nasasaktan, Nagagalit, Nalulungkot.. Lahat ata ng hinanakit nararamdaman niya ngayon. "Shit!" She shouted. "Sana Career mo nalang yung ginawa mong Girlfriend! Napamahal na ko sayo Glaiza and It hurts na obviously, you love your career more than me! Napamahal na ko sayo and now, you're breaking up with me. Wow. I thought you're too sweet para tapusin yung relasyon natin nang dahil sa Career mo. So I'm trash. Your Career is Gold and Here I am, just a piece of shit na di kapaki-pakinabang compared to your Career."

Napailing si Glaiza. "Rhian, hindi ganun yung point ko kaya nakikipaghiwalay ako sayo.. Talagang hindi ko lang kayang pagsabayin--"

"Enough!" Hindi na napigilan ni Rhian ang emotions niya. Nasasaktan siya, pero sa mga oras na to, nangingibabaw yung galit at inis niya dahil sa dahilang ibinibigay ni Glaiza kaya ito nakikipaghiwalay. "We're done. I'm sorry kung masyado akong nagbebeg para wag kang makipag-break. Masyado lang ako na-attached sayo and I think, kailangan ko ng pigilang ma-attach pa sayo lalo." She sighed. "And I think, hindi lang naman to about sa Career mo e. Just be honest, may iba ka na no?"

Nabigla naman si Glaiza. "Rhian... Wala. Wala akong iba. Hindi ko lang talaga kayang--"

"Stop. I understand. Of course sino ba namang tao ang sasabihing may iba na siya sa taong nagmamahal sa kanya? Wala diba? I understand kung ayaw mo pang sabihin. Goodluck." Rhian smiled but obviously, it's fake. "And Don't worry. Hindi ko kaya to pero pipilitin ko. Hindi na rin kita guguluhin at pipiliting makipagbalikan. It's your choice. Wala na kong magagawa." Tumalikod na siya at nag-start ng maglakad palayo..

She's crying.. She can't help it. Sobrang sakit nito para sa kanya. Sobrang mahal niya si Glaiza at ayaw niya itong mawala. Pero kung obviously nga ay Career ang pinipili nito kesa sa kanya, wala na siyang magagawa dun... Kahit durog na durog na ang puso niya, pagod na rin siyang magmakaawa. Kaya hayaan nalang. Hayaan at simulan ng kalimutan ang lahat..


·


·



·



·

·

·

Napamulat siya ng mga mata.

Am I dreaming? She thought.

Bumangon siya sa kama. Una niyang tiningnan ang cabinet sa loob ng kwarto niya. Umiling siya. "Well, pang-ilang beses mo na nga bang napapanaginipan yung pangyayaring yun? Actually, kung iisipin, hindi naman yun panaginip dahil totoo talagang nangyare. Nakipag-break na siya sayo. Iniwan ka na niya. Masaya na siya ngayon kasama yung Career o yung bago niya kung sino man. Ikaw nalang ata ang di nakakamove on."

RASTRO FEELSOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz