Bring It Back (1)

8K 204 32
                                    

Malamig na simoy ng hangin ang nararamdaman niya. Nakakadagdag ito ng nginig at lalo lang bumibilis ang tibok ng puso niya.




Naguguluhan siya. Hindi niya alam ang gagawin. Kanina pa siya nakatitig sa singsing na nasa daliri niya. Kanina pa tumutulo yung luha niya habang pinagmamasdan ito. Kanina pa siya nagdadasal. Ang dami na niyang nasabi pero wala pa ring nangyayari.


Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Namamaga na yung mata niya dahil kanina pa siya umiiyak. Wala talaga siyang magawa. Hindi niya alam ang gagawin....



·



·



·




·




·



"Rhian...."




Nilingon niya yung nagsalita at dali dali itong niyakap. Dun na niya binuhos yung iyak na kanina niya pa nilalabas pero parang hindi nga mauubos.


·



·



·


Hinagod nito ang likod niya... "Magiging maayos din ang lahat.."




Lalong umiyak si Rhian. "Paano kung hindi? Natatakot ako... Ang daming pumapasok sa isip ko. Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko na maintindihan yung sarili ko... Hindi ko kaya." Umiling si Rhian. "Natatakot talaga ko Chyns..." Lalo siyang naiyak. "Natatakot ako... Sobra sobra akong natatakot."




Gusto ring maiyak ni Chynna habang yakap yakap si Rhian. Ramdam na ramdan niya ang sakit na nararamdaman nito. Yung bigat, yung takot, yung pangamba... Parehas naman sila ng nararamdaman pero alam niyang mas grabe ang nararamdaman nito.



Tinapik ni Chynna ang likod ni Rhian. Kumurap siya ng maraming beses para hindi tuluyang tumulo ang luha niya. Hindi niya pwedeng ipakita kay Rhian na umiiyak rin siya. Lalo lang itong magiisip at mawawalan ng pag-asa. Kailangan niyang maging matatag para sa kaibigan niya.



"Rhian, Shhhhh..." Bumitaw siya sa pagkakayakap at tiningnan si Rhian sa mga mata.


Kitang kita ni Chynna yung takot sa mga mata ni Rhian. Sobra sobra itong nag-aalala....


"Alam ko, hindi madali pero... kalma muna okay? Wag kang umiyak kasi nararamdaman ko rin yung sakit na nararamdaman mo pero alam kong mas grabe yung sayo.. Wag kang umiyak kasi wala namang nangyayareng masama e okay?"


"Wala.. Wala ngayon Chyns. Pero paano kung--"


"Shhh." Pinigilan ni Chynna si Rhian na sabihin ang sasabihin dapat nito. "Hindi. Okay? Hinding hindi tayo darating sa point na ganun. Magtiwala ka lang Rhian. Manalig tayo. Walang mangyayaring masama. Maniwala ka lang.. Hindi tayo papabayaan ng Panginoon." Lumapit si Chynna kay Rhian at niyakap ulit ito. Alam niyang ito ang kailangan ni Rhian ngayon.

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now