Unbreakable (6)

9.8K 258 47
                                    

She exhaled. Tumingin siya sa labas ng bintana ng kotse niya. Nakikita niya yung mga patak ng ulan sa bintana. Sobrang lakas ng ulan ngayon. Tiningnan niya ang mga kotseng nakahalera din gaya ng kotse niya at naghihintay lang ng signal.

Ano ba yan. Ang lakas na nga ng ulan traffic pa.

Napatingin siya sa kotseng nasa harap niya. Parang pang-racing ang dating ng kotseng to. Napaisip nanaman siya.

Pero hindi rin yun nagtagal dahil umiling-iling na siya na parang tinatanggal ang ala-alang bumabalik sa kanya.


It's been a year ago. It's been a year ago since nung nalaman niyang nag-quit sa showbiz yung babaeng nagpabago sa kanya at iniwan siya. Isang taon na ang nakakalipas since nung huling paguusap nila. Isang taon. Isang taong wala man lang siyang kahit na anong dahilang natanggap kung bakit. Isang taon na walang paramdam yung babaeng yun. Isang taon na kahit simpleng 'tuldok' hindi naibigay sa kanya.

Pakiramdam niya iniwan siya nito sa ere. Iniwan. Walang sabi sabi. Naalala niya yung usapan nilang dalawa tungkol sa pagiwan ng boyfriend nito sa kanya. Sabi nito, iniwan daw ito ng boyfriend niya ng walang pasabi. Soooo, sa kanya, ganun din yung ginawa nito. Iniwan din siya sa ere. Walang sabi sabi. Basta na iniwan.

Napabuntong hininga siya.

Hay Glaiza eto nanaman tayo. Bakit nga kasi siya magpapaalam sayo eh kaibigan ka lang naman niya? Wala wala lang kayo diba? Kaibigan. Hindi official. At yung kiss? Tss. Kasalanan mo kasi binigyan mo ng meaning. Parehas kayong babae. Malamang wala lang yun sa kanya. Yung mga moments na nagawa niyo. Yung pag-amin niya sayong crush ka niya, wala lang yun Glaiza. Umasa ka lang. Umasa ka kasi.


Napailing nanaman siya. Isang taon na rin ang nakalilipas pero hindi pa rin nag-a-update sa social media si Rhian simula nung umalis ito sa showbiz. Sinubukan ring puntahan ni Glaiza ang bahay nito pero wala na agad tao. Ang sabi nung kasambahay, lumipad na daw pa-London.

Napakabilis ng pangyayari nung nakaraang taon. Napakabilis ng pangyayari. Yung tipong pagkatapos na pagkatapos ng shoot ng show nilang dalawa, parang natapos na din lahat lahat sa kanila.


Pagod na rin siyang umiyak. Pagod na rin siyang tawagan yung number ni Rhian dahil naririndi na siya sa boses ng operator na patuloy na sumasagot sa tawag niya. Pagod na siyang tanungin ang sarili niya kung anong nangyayari, kung bakit, kung paano, kung may nagawa siya, dahil kahit anong gawin niya, wala naman din siyang makukuhang sagot.


Nagsimula na ulit siyang mag-drive papunta sa isang Resort kung san siya ininvite tonight para magperform.


Tigilan mo na yang pagiisip mo Glaiza. Tigilan mo na kasi di na babalik yun..


//



"5 minutes nalang daw po Ma'am. Lalabas na kayo." Sabi ng isang staff kay Glaiza.

Nag-nod naman siya at nagsmile para sabihing ready na siya.

Hinawakan niya yung gitara niya. Huminga siya ng malalim tsaka pumikit.

Ewan niya pero isang tao lang talaga yung naiisip niya.

After 5minutes... Lumabas na siya.. Hindi niya masyadong makita ang mga audience dahil sa liwanag na nakatapat sa kanya.

Hinawakan niya ang mic na nasa harap niya.

"Hello po. Magandang gabi po." Nag-smile siya. "Sana magustuhan niyo tong mini performance ko para sa inyo." Itinapat niya ang mic sa bibig niya at binitawan ito.

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now