Strings (5)

5.5K 181 52
                                    

"Hi Chyns." Bati ni Bianca kay Chynna pagpasok na pagpasok nila sa bahay nito.

"Kanina ko pa kayo inaantay. Nakahanda na yung drinks." Chynna looked at Rhian. "Hi sungit."

"Hi to you too." Rhian said in sarcasm.

"Parang lagi kang meron no?" Pang-aasar pa ni Chynna kay Rhian at pinaupo na ang mga ito sa sofa.

"Kuha lang ako ng ice." Chynna left.

Napailing si Rhian. Okay naman na ko kahapon.. Bakit ngayon, parang hindi na ulit?

"Hey.. Bestie, What's wrong? Parang ang laki ng problema mo." Nahalata naman ni Bianca na wala nanaman sa mood si Rhian.

"Wala namang bago diba?" Rhian said tapos nagcrossed arm.

"Is it because of that 'L'? Wala siyang pinadala sayo today?"

Nag-pause sandali si Rhian. She sighed. "How did you know?"

"Nabanggit mo sakin kanina na nadisappoint ka pagbukas na pagbukas mo ng pintuan ng unit mo. And you were expecting na may makikita ka but unfortunately, wala ka ngang napala."

Napalunok si Rhian. Yun nga ba yung dahilan? Nagexpect kasi siya eh...

"You know what, hindi ko alam kung sino yung L na yun pero pinageexpect niya ko. Nasasanay na ko na every gising ko sa umaga, may bubungad sakin na gifts from... him." Rhian sighed. "Wala akong pakeelam kung sino siya. But to be honest, nafifeel ko yung effort niya and sobrang gumagaan yung pakiramdam ko dun."

Napailing si Bianca. "Paano kung masamang tao yan?"

"I don't care. And sa tingin ko naman, hindi. I have a feeling na si Luis nga yun. And kapag inamin ni Luis na siya nga yung nagbibigay ng mga ganun sakin...." Rhian paused for awhile na parang nagdalawang isip kung dapat niya bang sabihin sa bestfriend niya pero naisip niya din na dapat ding malaman ni Bianca.. "Kapag napatunayan kong si Luis, ready na kong bigyan siya ng chance.."

Nabigla si Bianca... "Agad agad?! P-Paano naman kung hindi si Luis yun?!"

Napakunot ang noo ni Rhian. "Paano namang magiging hindi si Luis? Sino pa bang 'L'? Wala na diba? Siya yung first hint ko at wala ng iba pa."



"Anong meron dito mga tsong?" Bumalik si Chynna sa living room dahil dun sila magiinuman ngayon. "Nagtatalo ata kayo ah?" Umupo siya sa sofa at tiningnan ang dalawa.

Umiwas ng tingin si Rhian kay Bianca at Chynna tapos nagsalin agad siya ng alak for her. "Simulan na natin to para matapos na." Pagkasalin na pagkasalin niya, uminom agad siya so nabigla si Chynna at Bianca.

"Oy oy Rhian Ramos, teka lang naman!" Pinigilan ni Chynna si Rhian nung magsasalin pa sana ulit ito ng alak.

Napakunot naman ang noo ni Rhian habang nakatingin kay Chynna. "Diba pinapunta mo kami dito para mag-inom?"

"Oo nga. Pero di naman agad agad okay? Chillax ka lang pre." Inilayo ni Chynna ang baso at yung alak kay Rhian. "Alam kong lasenggera ka pero wag ka muna magmadali tsong."

Umirap nalang si Rhian...

Habang nagsasalin ng alak si Chynna for Bianca ay biglang bumukas yung pinto.

"Chynna.."

·

·

·

·

·

Lumingon silang tatlo sa nagsalita.

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now