Time Machine (3)

4.9K 186 29
                                    

11:00 AM



"Magmamall tayo? Sure ka ba diyan Lovelove?" Rhian asked before sila bumaba ng kotse ni Glaiza. Nasa may parking lot sila ngayon ng isang Mall para bumili nga sana ng foods para sa mga batang pupuntahan nila sa ampunan.

Glaiza nodded. "Nandito na tayo e. Tara Labidabs." Bababa na sana si Glaiza ng kotse nang pigilan siya ni Rhian.

"Ano, Love, ikaw nalang. Baka may makakita satin at kumalat agad sa showbiz." Parang worried na sabi ni Rhian.

Glaiza looked at her. "Eh ano naman? Hayaan mo, totoo naman e. Tsaka napagusapan na natin to, diba wala muna tayong pakeelam sa iba kahit ngayong araw lang? Hayaan mong machismis tayo kung tayo. Eh totoo naman kase diba?"

"Natatakot lang kasi ako.... Maraming tao diyan sa mall. At of course, maraming mga mata ang titingin sa ating dalawa. And nakakapressure kaya yon."

"Wag kang matakot kasi kasama mo naman ako Love." Glaiza said. "Wag kang magpaiwan dito, okay? Sumama ka na. Samahan mo ko."

Napalunok si Rhian at tiningnan si Glaiza.... She exhaled. "Fine.... Fine. Sasama na ko."

Glaiza smiled. "Tara na."

Bumaba silang dalawa sa sasakyan at sabay na pumasok sa loob ng Mall.

.

.


.

Pagkapasok nila, syempre may mga taong tumitingin sa kanila. May mga lumalapit din na parang sinisigurado kung sila ba talaga yun. Ang daming kumukuha ng pictures, ang daming nagpapapicture. Naiilang sila nung una pero habang tumatagal before sila pumasok sa grocery store, may naririnig sila na 'bakit kaya sila magkasama? Baka sila na.' 'Cute nila talagang dalawa' 'Rastro Rebel kasi ako kaya gusto ko sila' 'Sana nga sila na'. Mga ganun. Sobrang dami nilang naririnig na sana daw magjowa nalang sila in real life, ganyan. Hindi naman maiwasang mapangiti ni Glaiza. So far, wala naman siyang naririnig na negative comments. Natutuwa na rin siya na ganito.

Tiningnan niya si Rhian at nakangiti din ito sa kanya. Alam niyang iniisip din nito ang iniisip niya.

"Tara na Labidabs." Glaiza said at inabot ang kamay ni Rhian.

Nagulat yung mga taong nakapaligid sa kanila dahil narinig nilang sinabi yun ni Glaiza.

Nagtilian yung iba na siguradong fans nilang dalawa.

Rhian smiled. Hindi siya makapaniwalang ginagawa talaga to ngayon ni Glaiza. Sa harap pa ng nga tao.

"Sige po, pasok muna kami sa loob." Ngumiti siya sa mga fans at nag-wave na. Nagpaalam na rin si Glaiza at nagpasalamat pa bago sila tuluyang pumasok sa loob para mamili ng grocery.

.


.



.


"Sabi ko sayo, okay lang naman siguro. Wala naman akong narinig na masama from them. Yung iba nga, Rastro Rebels pa." Glaiza said habang nagpupush ng cart. Namimili na sila ngayon ng ibibigay para sa mga bata sa ampunan.

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now