Tadhana (8)

6.8K 228 75
                                    

"Kanina mo pa ko tinitingnan." Nilingon ni Glaiza si Rhian at nahuli nga itong nakatingin sa kanya..

Nasa bahay sila ngayon ng Ate ni Rhian na si Nadine. Sa Germany nakatira ang asawa ni Nadine at matagal na ding dito nakikitira si Rhian since ayaw nga niyang umuwi ng Pilipinas noon.. Alas-11 na ata ng gabi.. Pagod na rin sila kakalibot sa Munich kanina kasama si Nicole..

Dito din nakituloy muna si Glaiza dahil gusto niyang mag-stay muna sa Munich kasama si Rhian.. At ngayon nga, parang nung scene lang sa condo ni Glaiza noon, nakahiga sila sa kama.. Nakatagilid parehas. Nagsasalo sa iisang kumot.. Nakatingin sa isa't isa.. Malapit ang mga mukha, maski langgam mahihiyang pumagitna..

Rhian smiled at hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang ni Glaiza.. "It's been almost 4 years... Hindi ako magsasawang titigan ka."

Kinilig naman si Glaiza at hinalikan ang ilong ni Rhian. Nakapikit pa siya habang kiss ang ilong ni Rhian.

"I love you." Glaiza said at tumingin kay Rhian.

Napalunok si Rhian dahil nata-touch siya.. Halos maduling nanaman silang dalawa dahil sobrang lapit nila.. "I love you too.. I love you more. Naiiyak ako.. Thank you kasi pinatawad mo pa rin ako.."

Lalong lumapit naman si Glaiza kay Rhian at binigyan ito ng mabilis na kiss sa labi. "Ako yung dapat magpasalamat kasi tinanggap mo ko..."

Medyo natawa si Rhian.. And Yes, they're official. Ang bilis no? Pinatagal pa ng apat na taon yung nararamdaman nila sa isa't isa pero dito rin naman pupunta..

Rhian smiled ng nakakaloko.. At Katulad nanaman ng dati, bigla niyang isiniksik ang mukha niya sa leeg ni Glaiza..

Napalunok naman si Glaiza. Nararamdaman nanaman niya yung hininga ni Rhian.

"Nakikiliti ako Love..." Natatawang sabi ni Glaiza.

Natawa naman si Rhian at nabigla si Glaiza nang maramdaman niya yung labi ni Rhian sa leeg niya.

"Rhi... Nakakakiliti talagaaaaa..." Medyo lumayo naman siya kay Rhian dahil nakikiliti talaga siya sa ginagawa ni Rhian.

"Ay Glaiza, naiilang ka no?" Natatawa tawang sabi ni Rhian..

"Hindi ako naiilang. Nakikiliti ako." Halata naman sa mukha ni Glaiza ang 'kilig' smile not kiliti smile..

Hinapit naman ni Rhian ang bewang ni Glaiza at pinalapit ulit sa kanya.. Isiniksik ulit niya ang mukha niya sa leeg ni Glaiza at bigla niyang kinissan ang leeg nito.. Mga 3 peck of kisses siguro sa leeg. Tapos tumawa siya..

Nabigla naman si Glaiza sa kalokohan ni Rhian.. Literal siyang nanginginig ngayon.. Halo halo ata yung nararamdaman niya.. Nakiliti siya, kinilig siya... Ewan, nanginginig ata siya..

"Hala si Love oh." Pang-aasar pa ni Rhian at sinundot ang ilong ni Glaiza.

"Wag na kasi Love.. Nakikiliti talaga ako.." Medyo mahinhing sabi ni Glaiza sa pilya niyang girlfriend.

Medyo natawa nanaman si Rhian dahil halata nga niyang medyo naiilang si Glaiza.. Maybe because kinikilig nga ito sa ginagawa niya..

Lalo siyang lumapit kay Glaiza. Idinantay nanaman nya ang binti niya at ipinatong sa bewang ni Glaiza. Para nanaman siyang may yakap yakap na teddy bear..

Pinagdikit niya ang mga ilong nila ni Glaiza.. Pumikit siya...

"Sa hindi inaaasahang..

Pagtagpo ng mga mundoooo

May minsan lang na nagdugtong,

Damang dama na ang ugong nito...."

RASTRO FEELSWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu