Strings (9)

6.8K 214 73
                                    

"So, paano nga nangyari?" Rhian asked after niyang inumin yung alak na para sa kanya.

"Ayun nga.. Kinompronta ako nina Bianca and Chynna. Sinabi nila lahat sakin na nakita nga nila ako nun sa bar.." Luis explained.

"So totoo pala yung mga model?" Rhian asked.

Medyo natawa si Luis. "Uhm, Let's say... Oo. Pero, wala naman yun. Landian lang."

"So 3 months mo pala akong niloko?!" Medyo napasigaw si Rhian.

"3 months mo din naman akong niloko ah! Hindi mo naman talaga ako mahal eh." Natawa si Luis at kumuha ng alak para sa kanya.

"3 months pala tayong naglokohan..." Napailing si Rhian.

"So kailangan niyo talagang pag-usapan yan sa harapan ko?" Tiningnan ni Glaiza ang yakap yakap niyang Asawa tapos si Luis.

Natawa naman si Rhian at tiningnan din ang Asawa niya. "Eto namang asawa ko, selos agad." Pinindot ni Rhian ang ilong ni Glaiza.

"Kasi naman eh.. Tatlong buwan din kitang di nakasama. Almost 4 months... Tapos, sa loob ng 3 months na yun, si Luis yung kasama mo." Medyo parang nalungkot naman si Glaiza.

"Wala namang kwenta yung 3 months na yun." Natawa lalo si Rhian at napatingin kay Luis na parang nang-aasar. "Pupunta lang si Luis sa condo ko ng twice a week ata tapos magsstay siya ng 5 minutes tapos sasabihing may appointment pa siya. Yun bang... masabi lang na nag-stay siya kasama ako. Pero wala namang kung anong kalokohang naganap Love. Wag ka nga diyan." Sinundot nanaman niya ang ilong ni Glaiza.

"Sa loob ng 3 months na kayo, walang kalokohang naganap?!" Medyo parang gulat na sabi ni Glaiza.

Umiling si Rhian. "Wala."

Tiningnan ni Glaiza si Luis tapos si Rhian ulit. "Eh kiss?"

Napaisip si Rhian at tumingin saglit kay Luis tapos kay Glaiza na ulit. "Merong muntik na. Pero wala. Di natuloy kasi bigla kang nag-pop up sa utak ko nun so umiwas ako."

Napakunot ang noo ni Glaiza. "S-Seryosong wala talagang kahit anong nangyare?"

Rhian rolled her eyes. "Hay nako Love. Wala nga." She sighed. "Okay. Let's say na di tayo nagkiss ngayong araw, You know what, hanggang ngayon yung kiss ko pa rin sayo nung nag-inuman tayo sa bahay nina Chynna yung huling kiss na na-feel ko. Wala ng iba pa."

Di naman napigilan ni Glaiza ang mapangiti. "Yii. Teka, kinikilig ako Love."

Natawa naman sila.

Nakatingin lang naman si Luis sa dalawa. "Ang tagal naman nina Chynna bumili ng beers.. Out of place nako sa inyo."

Natawa nalang ang mag-asawa.






Biglang bumukas ang pinto. "Muntik na kaming maligaw. Jusko."

Napatingin sila kina Bianca at Chynna na pumasok sa unit nila.

Inilapag ni Chynna yung mga beers na binili nila at naupo sa sofa ng kwarto.

"Anong ganap? Nag-honeymoon na ba yang mag-asawa sa harap mo Luis?" Natawa si Chynna.

Natawa din si Luis. "Hindi pa naman. Pero parang gusto na nila e."

Binato ni Rhian ng chips si Luis. "Hey! Parang wala kami dito ah!"

Natawa naman sila. Napailing nalang si Glaiza habang natatawa tawa din. "Okay lang naman. Tapusin na natin tong inuman." She said at kumuha ng beer para sa kanya at ininom ito.

Natawa si Chynna. "Hala hala. Excited na sa honeymoon oh! Minamadali na ang inuman. Hahahahaha."

Natawa ulit sila. "Hey Glaiza. May usapan tayo. Di mo sasaktan yang bestfriend ko." Natawa lalo si Bianca.

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now