Tadhana (7)

6.1K 222 98
                                    

Last Day in Munich..

Riiiing... Riiingg..

Kanina pa tumutunog yung phone niya pero hindi niya ito sinasagot.. Kanina pa nagreregister yung pangalan ni Chynna sa screen ng phone pero parang wala siyang pakeelam. Malamang galit nanaman si Chynna dahil hindi nila alam kung nasaan siya ngayon.

Napatingin siya sa paligid niya.. Hindi ko na din alam kung nasaan ako..

She sighed. Mamaya na ang flight nila pabalik ng Pilipinas pero ano bang pumasok sa isip niya at naisipan niyang lumabas ng hotel at maglibot mag-isa? Wala naman siyang idea sa mga lugar dito sa Munich pero hindi niya alam kung bakit nandito siya ngayon sa may kalsada at naglalakad.. Marami siyang nakakasalubong na hindi niya kilala..

Saan ba ako dinadala ng mga paa ko? Bakit ba parang bigla nalang naisipan na maglakad? Saan ba ko pupunta? Saan ba nila ko dadalhin?

Bigla siyang napastop sa paglalakad nang makita ang sign na nasa harap niya.

'THIS WAY TO - THE ENGLISH GARDEN'

English Garden... English Garden kung saan niya nakita si Rhian kahapon..

Napalunok siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Bakit parang may nararamdaman akong kakaiba?

Nagstart na siyang maglakad papunta sa English Garden..

//

Hindi kadamihan ang tao. Siguro maaga pa para dagsain tong English Garden..

She sighed. Naupo na agad siya sa may damuhan dahil pagod na rin siya kakalakad.

Bakit ba dito ako napadpad?

Kinuha niya ang earphone niya sa may bulsa niya at isinalpak sa phone at inilagay ito sa tenga niya.. Baka kaya dito siya dinala ng mga paa niya dahil kailangan niyang magrelax..

Shuffle Play ang ginawa niya.

Huminga siya ng malalim nang marinig ang unang tugtog.

Now Playing: Cool Kids By Echosmith

Naeenjoy niya ang ganitong musics.. Tumingin tingin siya sa paligid. Wala lang.. Baka lang naman may makita siya..

Nagbuntong hininga siya. Glaiza, tama si Benjamin.. Impossible nga na makita mo si Rhian dito. Sobrang imposible. Paano mangyayare yun? Malamang kasal na siya kay Jason ngayon at namumuhay na sila ng masaya kung saan man. Imposible talaga na magkita kayo.. Sobrang imposible..

Natapos na yung kantang 'CoolKids'..

Habang hinihintay niya ang susunod na tugtog sa tenga niya,

Ewan niya pero bigla siyang napabulong, "Lord, bigyan niyo ko ng sign kung siya ba talaga yung nakita ko... Bigyan niyo ko ng sign dahil--"



She literally stopped nang marinig ang intro ng tugtog sa tenga niya..



Napalunok siya at natural, si Rhian ang unang pumasok sa isip niya..




Tadhana. Tadhana yung kanta at ito na ba yung sign?

Umiling siya. Hindi. Hindi ito sign. Coincidence lang..

Kukunin niya sana yung phone niya para ilipat yung tugtog nang may lumapit bigla na batang babae sa kanya.

"Hello. Can I sit with you?" The little girl said. Medyo bulol pa ito magsalita dahil bata pa nga.. Parang baby magsalita.. Ang cute..

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now