Aftertaste (3)

6.8K 205 56
                                    

"Ayoko na." Glaiza said habang pinapastop si Chynna sa pag-aabot ng alak sa kanya.

"Nakakatatlo ka palang ata. Ayaw mo na agad?!" Sabi naman ni Chynna habang inaabutan pa rin ng alak si Glaiza.

"Me. Me. Me." Sabi naman ni Rhian tapos kinuha agad sa kamay ni Chynna yung baso ng alak na inaabot nito kay Glaiza tapos bigla niya agad ininom.

Nagulat naman si Chynna sa ginawa ni Rhian.

"Grabe ka Rhian Ramos!!! Pang-ilan mo na yan ha? Lagi mo nalang sinasalo si Glaiza."

"Nahulog siya e." Rhian smiled after inumin yung alak. Tapos nagbigay ng meaningful na tingin kay Glaiza.

Napangiti naman si Glaiza sa Girlfriend niya. Well, halata naman na siguro na may tama na si Rhian. Marami na ang naiinom nito. Si Bianca naman ngingiti ngiti lang dahil medyo marami na rin ang naiinom. Si Chynna naman medyo nakakarami na rin. Si Glaiza lang talaga yung medyo mahina uminom sa kanila ngayon..

"Sabi ko sa inyo lasenggera yang babaeng yan eh!" Sabi ni Bianca habang tinururo turo si Rhian.

Natawa naman si Rhian. "Oo na. Lasenggera na.. Mahal naman ni Glaiza." Tiningnan nanaman niya si Glaiza.

Napailing nalang naman si Glaiza na ngingiti ngiti lang dahil kanina niya pa naririnig yang mga banat na ganyan ni Rhian.

"Buti nga ako may Glaiza De Castro... Eh kayo? Wala kayong lovelove." Niyakap naman ni Rhian ang katabi niyang Girlfriend na parang batang nanlalambing.

Natawa naman si Chynna. "Weh? Mahal mo yan?" Tanong nito.

"Sobra.." Sabi ni Rhian na pipikit pikit na dahil malakas na nga ata ang tama niya. Halata naman sa boses niya. "Hindi niyo lang kasi alam eh..." Hinigpitan naman lalo niya ang pagkakayakap kay Glaiza.

Glaiza smiled habang hawak ang braso ni Rhian na nakayakap nga sa kanya.

"Gaano mo kamahal si Glaiza?" Napasandal si Chynna tapos ngumiti dahil trip niya ata ang magjowa ngayon..

"Kailangan pa bang itanong kung gaano? Hindi ba obvious na I love her so much to the point na pinakilala ko siya sa Dad ko and pinaglaban ko siya kahit na.. Well, at first di nila natanggap. Pero... I'm so happy kasi, pinatunayan ni Glaiza na totoo na yung nararamdaman niya for me... Pinatunayan niya sa family ko na totoo siya at seryoso.... Well, I'm so thankful naman din dahil open minded yung family namin..." Pikit ang mata ni Rhian habang sinasabi yun, Dahil medyo inaantok na nga siya dahil sa kalasingan.

"Paano ba nangyari? Ang alam ko lang nag-aminan kayo offcam. Tapos?" Usisa pa ni Chynna dahil alam niyang sasagutin ni Rhian lahat ng tanong ngayon dahil wala nga ito sa sarili.

Napatingin naman si Glaiza kay Chynna. "Pati banaman yun."

Natatawa naman si Chynna. "Hayaan mo nga siyang sagutin..."

Napangiti naman si Bianca."Goodluck nalang sa inyo kung mapapa-stop niyo yang babaeng yan kakadaldal. As her bestfriend, ang alam ko, When she's drunk, she's very talkative. Well nakakatuwa din naman minsan pag nalalasing siya dahil sa kadaldalan niya, buong feelings niya ata nasasabi niya... Kaya goodluck sa mga maririnig niyo from her ngayon..." Napapikit naman na si Bianca, sign na medyo inaantok na rin siya.

Natatawa tawa naman si Chynna. "Okay yan. Hindi pa naman ako inaantok. Tsaka, nasa bucket list ko kaya maging interviewer... Sa wakas, may maiinterview na ko ngayon.."

Glaiza sighed. "Chynna wag na..."

"Shhhh. Tumahimik ka muna Glaiza. Pakinggan muna natin sasabihin niyang Jowa mo." Umubo ubo naman si Chynna na parang nagcclear ng throat. "Sooo, Rhian Ramos..."

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now