Tadhana (3)

5.7K 171 70
                                    

"Bakit dito mo ko dinala?" Tanong ni Glaiza kay Chynna pagkapasok na pagkapasok nila sa isang salon nung araw na yun.

"Mahaba na yang buhok mo.. Mas maganda sayo yung short haired. Tsaka namimiss ko na rin yung dating Glaiza. Babalik tayo sa looks mo dati, sa dating Glaiza.. Pero wala ng Rhian.." Chynna said.

Nag-look away naman si Glaiza nang marinig ang pangalang 'Rhian' from Chynna so nakahalata naman agad si Chynna.

"Ay pasensya na. Siguro di rin makakabuti kung maririnig mo pangalan nun sooo, di ko na babanggitin yun." Nagbuntong hininga siya. "Sige na, tatawagin ko lang yung mag-aayos sayo." Chynna left.

Naiwan naman si Glaiza so umupo muna siya.

Kumuha siya ng isang magazine na nakalagay malapit sa kanya para sana magbasa pero pagbuklat niya, mukha ni Rhian ang nakita niya..

Nabigla siya. Pumikit siya tapos umiling iling at pagkadilat niya, ibang tao pala ang nakalagay, hindi si Rhian.

Naghahallucinate ka nanaman Glaiza..

Ibinalik nalang niya ulit ang magazine sa dating lagayan dahil kada buklat niya, pakiramdam niya si Rhian ang nakikita niya..

Umiling nanaman siya.. Nababaliw kana talaga..

Di nagtagal, bumalik na ulit si Chynna kasama na yung mag-aasikaso ng hair ni Glaiza.. It's a girl. Mukhang bata pa.

"Glaiza. Game na. Magstart na. May pupuntahan pa tayo." Chynna said. "Excuse me lang pala, lalabas lang ako. May kukunin ako sa kotse." Then she left.

Tumayo naman na si Glaiza at nakipagkamay sa girl na magaayos sa kanya.

"Nice to meet you po Ms. Glaiza.. Ako po si Jade Aquino. Jade nalang po itawag niyo sakin." The girl said.

But after hearing 'Jade', Glaiza literally stopped for a second and looked at 'Jade'.

"Jade? Jade pangalan mo?" Tanong ni Glaiza dahil pakiramdan niya nababaliw nanaman siya dahil si Rhian nanaman ang unang pumasok sa isip niya.

Jade.. Jade pangalan ni Rhian sa TRMD... Ano ba.. Coincidence lang ba to?

"Uhm yes po." The girl smiled. "Magstart na po tayo Ma'am Glaiza." Pinaupo na nung Jade si Glaiza para magsimula na pero parang lutang pa rin si Glaiza.

Ano ba Rhian, hindi kaba talaga aalis sa isip ko?

//

"Oh sabi ko naman sayo bagay na bagay pa rin sayo yang short haired e. Parang walang pinagbago. Parang di tatlong taong nagkulong sa bahay niya oh." Natatawang sabi ni Chynna kay Glaiza habang nagddrive siya.

Tiningnan naman ni Glaiza si Chynna. "Tigilan mo nga ko.." Umirap naman ito na parang wala sa mood.

"Natutuwa lang ako sayo Glaiza. Akalain mo yun tatlong taon din yun oh. Tapos napapayag ka namin ni Benjamin na lumabas... Wala na tong bawian ah." Nilingon pa saglit ni Chynna si Glaiza.

Glaiza sighed. "Saan ba tayo pupunta ngayon?"

"Chillax ka lang pre. Idlip ka muna diyan." Chynna laughed.

"Tigilan mo nga yang ganyang pananalita mo. Para kang si Batchi ng TRMD." Naiinis na sabi ni Glaiza.

"Grabe ka naman.. So pati TRMD kailangan na ding kalimutan? Hoy. Maraming nagmahal sayo dun! Maraming nagmahal satin. Sa mga roles natin dun. Di ko yun makakalimutan tsong."

"Dun din kasi nagsimula lahat eh... Kaya ayoko na sanang alalahanin yun.." Tumingin si Glaiza sa bintana ng kotse. "Ayoko ng makarinig nang may connection kay Rhian.. Yung totoo, namimiss ko lang kasi siya. Pero nasasaktan ako. Naiinis ako. Sumasama loob ko. Pero andun pa rin yung pagmamahal eh.."

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now