Aftertaste (8)

7.6K 254 110
                                    

3 days later...

"Whiwhi, I have an awesome idea!" Bianca said nang maupo siya sa couch at tumabi siya sa bestfriend niya.

Minulat naman ni Rhian ang mga mata niya at tiningnan ng masama si Bianca. "Pinalabas mo ko ng kwarto para lang sabihin na may 'awesome' kang idea?" Inirapan niya si Bianca. "Wala ako sa mood kung ano man yang idea na yan."

"So ano? After ng break up niyo ni Glaiza, hindi ka na lalabas ng kwarto mo? Hindi kana makiki-hang out?" Bianca said dahil pati siya sumasakit ang ulo.

Well, syempre alam niya lahat ng nangyari. Nung araw na nakipagbreak si Rhian kay Glaiza, tinawagan agad siya nito. Tapos since nung araw na yun, hanggang ngayon, dito muna siya nagstay sa condo ng bestfriend niya dahil alam niyang kailangan nito ng kasama. And knowing Rhian, pag sobra itong nasasaktan, kung anu anong mga kalokohan ang naiisip nitong gawin.. Like, uminom ng soy sauce or kumain ng asin. Yes. Ganun ang bestfriend niya pag nadedepressed or sobrang nasasaktan. Such a weirdo pero ganun talaga si Rhian e..

"Let's go out tonight.. Sige naaaaa.." Hinawakan niya ang braso ni Rhian at pinipilit ito.

Tiningnan naman siya ng masama ni Rhian. "Wala nga ako sa mood Bianca ano ba."

"Minsan lang nga magyaya si Antonia. You know naman busy yun so ngayon lang niya naisipang makipag-hang out satin." Bianca said na ang tinutukoy e si Antoinette Taus na isa pa nilang kaibigan..

Rhian looked at her. "Si Antoinette ang nagyayaya?"

Bianca nodded. "Kaya sige na.. Sobrang tagal na nating di nagba-bonding nun e. Plus, you need to free your mind din. 3 days ka ng kulong dito. Hang-out Hang-out din kasi pag may time." Bianca smiled.

Rhian sighed. "Oo na oo na."

Napapalakpak naman si Bianca sa tuwa. "Yes! Okay. Dahil pumayag ka, ipagluluto kita bestie." She stood up at tuwang tuwa na pumunta sa kitchen para ipagluto si Rhian.

//



10:30 PM.

"Parang ang tahimik mo tonight whi?" Antoinette asked Rhian habang kumakain sila sa bar kung san sila nagkayayaan mag-hang-out nga ngayon..

Tiningnan naman ni Bianca si Rhian tapos tumingin kay Antoinette. "Puso." She said.

Napakunot naman ang noo ni Antoinette at napatingin ito kay Rhian. "Break na kayo ni J?!"

"Yes. But, iba na yung ngayon." Bianca said ulit habang kumakain.

Napatingin naman si Rhian kay Bianca. "Ang daldal mo!" She said dahil naiinis siya sa kadaldalan ni Bianca.

"Ah. So, nagsi-secret na kayo ngayon? Wala ba kong karapatang malaman?" Antoinette said with 'paawa' voice.

Napatingin naman si Rhian kay Antoinette. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin sa kaibigan ang naging relasyon nila ni Glaiza. Alam niyang magugulat ito kapag sinabi niyang nagkaroon siya ng relationship sa babae.

·

·

"It's Glaiza."

·

·

Napatingin naman ulit si Rhian kay Bianca nang marinig niyang bigla nitong sinabi yun.

"Ang daldal mo talaga!!!!!" Rhian shouted.

Masyadong maingay sa bar because of the songs kaya walang pakielam sa kanila yung mga tao. Besides, nasa VIP area sila.

Nagulat naman si Antoinette sa narinig from Bianca. "Who's Glaiza?" She asked.

RASTRO FEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon