Unbreakable (4)

8.6K 242 52
                                    

Last day na to. Katatapos lang nilang i-shoot ang pinakahuling scenes nila sa The Rich Man's Daughter.

Inaayos na nga ng iba yung mga scenes dahil tapos na nga.

Sobrang close na close at sweet na sweet pa rin sina Glaiza at Rhian sa isa't isa pero wala pa ring "official". Yung basta lang alam nila sa sarili nila na may something pero ewan ba nila kung bakit parang naghihintayan lang sila para maging official na kung ano mang meron sa kanila ngayon. Ang obvious naman na siguro na inlove na sila sa isa't isa pero wala pa rin sa kanila ang naglalakas loob magtanong kung ano na bang totoong meron sa pagitan nila.

Kasalukuyan nanaman silang naghaharutan sa may tent nila nang ipatawag bigla si Rhian ng isang staff.

"Ma'am Rhian, yung ate niyo daw po nandiyan ulit. Susunduin na po ata kayo."

Nag-sign naman si Rhian sa staff na susunod na siya kaya umalis na ito.

Napatingin naman si Rhian kay Glaiza. "Nandiyan nanaman yung sundo ko." Nag-smile si Rhian.

"Bakit parang napapadalas? May problema ba Rhian?" Hawak ni Glaiza ang kamay ni Rhian.

Ngayon lang niya natanong kung may problema kahit matagal na rin niyang napansin na meron nga. Simula nung phone call kay Rhian nun sa ulanan. Lagi nalang sinusundo si Rhian ng ate niya dito sa shoot. Tapos parang ang cold pa ng pakikitungo ng Ate ni Rhian kay Glaiza. Kaya nagtataka na siya na parang may iba dahil wala naman siyang ginagawa para ikagalit ng Ate ni Rhian.

"Basta kahit anong mangyare, walang bitawan ha? Aalis na ko. I love you Glaiza." Kinissan siya ni Rhian sa pisngi tapos tumayo na.

"Teka lang." tumayo din si Glaiza at hinawakan ang braso ni Rhian. "Last day na to Rhian. Kelan tayo ulit magkikita? Bukas? Punta ka sa condo ko. Itext mo nalang ako." Nag-smile siya.

"Magpahinga ka muna okay? Siguradong pagod ka after nitong taping." natawa si Rhian. "Promise. Hindi pa ito yung last Glaiza. Magkikita pa tayo okay?"

Hindi alam ni Glaiza kung bakit napayakap siya kay Rhian bigla. Naramdaman din naman niyang niyakap din siya nito.

"Bakit ngayon palang namimiss na kita?" Di napigilan ni Glaiza na sabihin. "Kelan kita tuturuan ulit maggitara? Malapit ka ng matapos e. Natututo kana e." Sabi pa niya habang yakap pa rin si Rhian.

Natawa naman si Rhian. "Set the date." tapos natawa ito. "Eh ikaw kelan ko tuturuan mag-race? Yung totoong turo na."

Natawa naman si Glaiza. "Wala naman akong natututunan. Sayo ako nakafocus pag nagtuturo ka hindi dun sa tinuturo mo."

Kinilig naman si Rhian. Ewan kung bakit parang naiiyak siya ngayon. Bumitaw siya sa pagkakayakap kay Glaiza at hindi na niya napigilan ang sarili niya na kiss-an ito... Sa labi. Just a peck. Pero masyadong meaningful yung kiss na yun.

"Aalis na ko. I'm so sorry. Bye Glaiza. I love you..." Tapos kinissan pa ni Rhian si Glaiza sa ilong..

Hindi pa naman nakakarecover si Glaiza sa pagkiss sa kanya ni Rhian sa lips. Sobrang bilis lang nung kiss na yun pero parang niyanig yung mundo niya.

"Glaiza please tell me you love me too.."

"I love you. I love you Rhian. Sobra." Yun nalang ang nilabas ng bibig niya dahil gulat na gulat pa din siya.

Binigyan ulit siya ng yakap ni Rhian. Yakap na punung puno ng meaning tapos umalis na ito...

Nanatiling nakatayo si Glaiza. Malakas ang tibok ng puso. Pinapaulit ulit yung mabilis na pangyayari sa utak niya. Totoo ba yun? Totoo ba yung kiss na yun? Hindi ba yun sinasadya?

Napatingin siya sa may labasan ng tent. Doon niya lang narealized na kailangan niya pang kausapin si Rhian. Gusto niya pa itong makasama ng matagal. Gagawin na niyang official.

Dali dali siyang lumabas ng tent. Hinanap niya si Rhian. Hinanap niya ang ate nito. Ipinagtanong niya sa mga staffs at co-stars nila pero nakaalis na daw.

Nagdalawang isip pa siya kung susundan niya ito pero naisip niya na itetext nalang muna niya siguro si Rhian. Tapos magusap nalang sila mamaya. Hindi pa naman ito ang huli nilang pagkikita diba? Hindi pa ito ang huli......

Glaiza exhaled. Wala sa loob na hinawakan niya yung labi niya.

Sobrang bilis. Sobrang bilis pero bakit pakiramdam niya sobrang daming meaning nun?

Rhian... Rhian ano bang ginagawa mo sakin..

//

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

AN: HUWAAAAAAAAAAAAAAAAAAT!!

YUNG KISS AKZNAKZLWKZK ❤❤

SORRY NA ULIT HUHU :(

BET NA BET KO MAGBASA NG COMMENTS hihi ✌

THANK YOU PO ULIT!! :)

RASTRO FEELSOnde histórias criam vida. Descubra agora