Air (7)

4.8K 197 63
                                    

Kanina pa siya palinga linga at paulit ulit na binabasa yung text ni Glaiza na magkikita sila dito ngayon exactly 8PM. Mag-e-8 palang pero kaninang kanina pa siya nandito at halatang excited na makausap na si Glaiza. Sasabihin na niya ang lahat. Aamin na siya at sasabihin niyang handa na siyang lumaban kasama ito. Handa na siya sa lahat so nagpunta talaga siya dito ng sobrang aga para makasigurado na magkikita sila...


Hindi naman din niya maiwasang kabahan. Kanina pa malakas ang tibok ng puso niya na parang makikipag-eye ball siya sa isang taong hindi niya pa nakikita. Kinakabahan siya ng sobra... Pero kanina niya pa rin pinapakalma ang sarili niya.


·


·

·

8:03 PM.


Halos matuyo ang lalamunan niya nang makita si Glaiza na papalapit sa table kung nasan siya.

Nag-smile siya dito. Nag-half smile lang si Glaiza bago tuluyang umupo sa harap niya.


"Hi... Hi G." Halata sa boses ni Rhian ang kaba. Ewan niya, bakit ba siya kinakabahan?


"Hi." Glaiza said. Napaka-plain lang na parang ayaw nga atang makipag-usap kay Rhian or parang may bumabagabag sa kanya.


"Uhm, teka, mag-oorder lang ako ng foods for--"


"Wag na." Glaiza said so napa-stop si Rhian. "Hindi na rin naman ako magtatagal... Ano, gusto ko lang malaman yung gusto mong sabihin... Ano ba yun? Bakit?"


Napalunok si Rhian habang nakatingin kay Glaiza. "Glaiza...."


"Sabihin mo na Rhian. Ano ba yun?"

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Rhian. Hindi niya alam ang sasabihin. Hindi niya alam kung paano magsisimula....

"B-Bakit hindi mo na sinasagot ang mga messages ko? Ang mga tawag ko? Anong... Anong nangyayari G?" Rhian asked.


Nag-look away si Glaiza. Ineexpect na niyang itatanong ito ni Rhian. "Wala naman din akong sasabihin.... Tsaka, busy kasi ako e."


"Busy? Edi sana, kahit magtext ka man lang sana sakin na wag muna kitang itext so di kita naiistorbo.."


"Wala akong time e." Glaiza said habang di pa rin nakatingin kay Rhian.


"I saw your tweets naman... Nakakapagtweet ka pa din. So why don't you just text me back and sabihin mong wag muna akong magtext? You know what G, it's obvious kasi e. Parang ayaw mo ng makipag-usap sakin... Ano bang ginawa ko? May nasabi ba ko sayo na di mo nagustuhan? Nasaktan ba kita?" Hindi na napigilan ni Rhian na magtanong... Gusto niyang makakuha ng sagot.

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now