Like I Can (6)

6.5K 186 38
                                    

"What's wrong? Kinancel ko yung taping namin ngayon to talk to you. What happened?"


Lalong niyakap ni Rhian ang unan na kanina niya pa rin niyayakap nang pumasok si Bianca sa kwarto niya.

"Hey.. Bestie, ano nangyayare sayo? Don't tell me nadedepressed ka kasi matatapos na yung show niyo? And wala pang new offer sayo?" Umupo na si Bianca sa kama niya.

Umiling lang si Rhian at mas lalo pang niyakap yung unan na parang batang tampong tampo sa mundo.

"Then why? Oh my God.. You look horrible. Ano bang nangyare?" Tinapik ni Bianca ang binti niya.

Napalunok si Rhian... Kahapon pa siya hindi tinatawagan nina Direk para sa scenes na ishu-shoot niya. Tapos kanina, nakareceived siya ng text na bukas pa itetape yung scenes niya so bukas pa siya pwedeng pumunta sa set... Di niya maiwasang mapaisip. Ang alam niya itetake dapat kahapon at ngayon yung scenes nila ni Glaiza pero eto nga.... Mukhang inalis na yung scenes na yun dahil nga sa issue.

Naiiyak siya. Di talaga niya maiwasang maapektuhan. At the same time, nasasaktan din naman siya...


"Paasa kasi ako...." Nagstart nanaman siyang maiyak. Ilang araw na silang di nagkikita ni Glaiza. Ilang araw na niyang inisip yung 'TIME' na yun na tinutukoy ni Glaiza nung humingi siya ng advice sa show ni Patty sa radyo. Ilang araw na siyang napapaisip.. Hindi niya to kaya. Hindi niya alam kung gaano katagal yung time na sinasabi ni Glaiza at ngayon palang di na niya talaga kaya...


"Paasa? What?" Bianca looked at her.


Tumango lang si Rhian. Ayaw na niyang magsalita.. Naiiyak lang siya lalo.


"What do you mean ba? Hey Bestie! Kausapin mo nga ako ng ayos. Ano bang nangyayari sayo ha?" Tumayo si Bianca from the bed at kinuha niya yung unan na yakap yakap ni Rhian para makapag-usap sila ng ayos. "What do you mean sa Paasa ka? I don't get it. Sabihin mo nga ng ayos--"


"Pinaasa ko si Glaiza!" Hindi na hinayaan ni Rhian na magpatuloy sa pagsasalita si Bianca at sumigaw na siya. Hindi talaga niya kaya to...

Nagulat naman si Bianca. "Wait.. What? What do you mean?"


Humikbi na si Rhian... Ayan. Naiiyak na talaga lalo siya... "Pinaasa ko lang daw siya. Pinaasa ko daw siya.." Umiiyak na si Rhian.. Wala na. Naiyak na siya..

Napakunot lalo ang noo ni Bianca. Bigla siyang naguluhan.. Well, matagal ng kinukwento ni Rhian si Glaiza sa kanya and dumating pa nga sa point na parang nagseselos na siya dahil inaakala niyang binebestfriend na ni Rhian si Glaiza pero, hindi rin niya naiwasang mapaisip ng iba.. Yung bang parang... may something na pero inaalis niya yun sa isip niya dahil kilala niya si Rhian, hindi ito 'ganun'. Pero dahil nga kilala na niya si Rhian, alam na niya din kung anong nararamdaman nito kahit hindi man nito sabihin ng buo.


"Hey bestie.. Linawin mo. Ano ba? I mean.. Ano ba yang feelings mo? Anong paasa ka? Paanong pinaasa mo si Glaiza?" Umupo ulit si Bianca sa kama at tinapik nanaman ang binti ng bestfriend niya. "Bestie, whiwhi, tell me. Ano bang nangyayari?"

Pinunasan ni Rhian yung luha sa pisngi niya. Nakahiga pa rin siya. Halos yakapin na niya yung binti niya dahil parang down na down talaga siya.

"Pinaasa ko nga daw si Glaiza Bestie. Pinaasa ko lang daw siya. Paasa daw ako." Humikbi nanaman siya. "Alam mo naman na we're sweet diba? On and offcam. And... It's because we're comfortable. I told you that diba?" Napalunok si Rhian.

RASTRO FEELSOnde as histórias ganham vida. Descobre agora