HAPPY (?) VALENTINE'S DAY!

5.6K 197 110
                                    

"Magtext ka pag nakauwi ka na ha? O kaya tumawag ka."

"Opo, madam." Natawa si Rhian sa kabilang linya.

Napangiti naman si Glaiza. "Sige na, ingat ka sa pagdadrive... I love you."

Narinig ni Glaiza yung sweet na tawa ni Rhian. "I love you too. Mag-iingat ako para sayo."

Hindi na sumagot si Glaiza dahil kinilig nanaman siya. Hinintay nalang niyang i-end ni Rhian yung call.

She exhaled at binaba yung phone niya. Pinagmasdan niya yung babaeng naka-smile sa screen ng phone niya. Malakas na talaga ang tama mo sa kanya, Cha.

Hihiga na sana siya para magpahinga na nang mag-ring yung phone niya.

Napakunot ang noo niya nang makita ang name ni Chyns sa screen.

"Chyns, hello?"

"Glaiza. Inom tayo."

"Inom? Okay ka lang?"

"Wala lang. Gusto ko lang mag-inom. Sige na tsong, puntahan mo ko dito sa bahay."

"Magka-away nanaman kayo ni Kean?"

Narinig ni Glaiza yung pagbuntong hininga ni Chyns sa kabilang linya. "Pupunta ka ba o hindi? Kung ayaw mo, sige wag na. Ako nalang mag-isa."

"Oo na. Pupunta na ko diyan. Teka lang. Magpapaalam lang muna ko kay Rhian."

"Tss. Lagi namang pumapayag yan. Wag ka ng magpaalam di naman kayo mag-jowa e."

"Sira ulo ka! Sige na. Tawag nalang ako mamaya."

Si Glaiza na ang nag-end ng call...

"...Wag ka ng magpaalam di naman kayo mag-jowa e."

Saglit na napaisip si Glaiza at napabuntong hininga. Hindi nga kami pero mahal naman namin ang isa't isa e....

To: Rhian Denise ♡
Love, nagyayaya si Chyns mag-inom. Pupunta ako sa kanila ngayon. Di ako maglalasing pramis. I love you.


Tumayo na siya para magbihis.

Mukhang may chika nanamang ikkwento si Chynna Ortaleza.


//


"May gig pala kasi siya, hindi man lang nagsasabe punyemas! Tumatawag ako ng paulit ulit, hindi sumasagot. Nung sinagot na, ang sabi nasa gig daw siya at pasensya na daw dahil hindi daw siya nagsabi. Feeling ko may babaeng pinupuntahan yun dun e!" Ininom nanaman ni Chyns yung alak na nasa baso niya.

Napa-iling nanaman si Glaiza. "Alam mo, kung anu anong iniisip mo. Magagawa ba ni Kean na mambabae e mukha namang mahal na mahal ka nung tao?!"

"Nagawa na nga niya dati, diba?! Pinagbigyan ko nalang ulit siya kasi mahal ko e. Tapos ngayon, hindi mo ko masisisi kung ganito ako mag-isip ngayon kasi naloko na niya ko dati at natatakot ako na baka maulit nanaman yon!"

"Okay okay. Chyns, chill ka muna. Medyo madami na rin naiinom mo." Sinubukang kunin ni Glaiza yung baso ng alak ni Chyns pero tinabig lang ni Chyns ang kamay niya.

"Hayaan mo na muna akong mag-lasing tsong please. Nasasaktan ako e."

Glaiza exhaled. "Chyns naman..."

Tiningnan ni Chynna si Glaiza. "Tsong, hindi siya nagtetext mula kahapon... May sinend na pictures sakin yung ka-banda niya. Nag-inom sila kahapon, may mga babae dun. Shit, girlfriend ako. Anong iisipin ko?!"

"Chyns, mabuting tao si Kean... Ano ka ba naman. Sabihin na nating oo, nagawa na niya sayo dati na nambabae na siya. Naloko ka na niya. Pero pinagsisihan niya na yun diba? Sayo pa nga nanggaling na nakikitaan mo naman siya ng improvement at pagbabago, diba? Tapos ngayon, hindi lang nakapagpaalam agad sayo na may gig siya, kung anu ano ng iniisip mo."

RASTRO FEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon