Bring It Back (6)

5.4K 185 57
                                    

"Uy."


Napatingin si Glaiza kay Benjamin nang tapikin siya nito sa balikat.

"Nakatulala ka naman. Okay ka lang?" Benjamin asked her at umupo ito sa tabi niya.

Glaiza exhaled at tiningnan si Benjamin sa mga mata. "Sino ba talaga ako?"

Nabigla si Ben pero alam niyang dapat niya itong sagutin. "Ikaw si Glaiza. Glaiza De Castro."

"Ikaw? Sino ka? Ibig kong sabihin, alam kong Ben ang pangalan mo pero... Sino ka? Sa buhay ko?" Seryosong tanong ni Glaiza na parang gustung-gusto niya talagang malaman ang lahat.


Napatango si Ben. "Well, ako si Benjamin, uhm, kaibigan mo ko. Malapit na kaibigan mo ko.." He smiled.

Napakunot ang noo ni Glaiza. "Kaibigan LANG kita?"

Nagbuntong hininga si Benjamin habang nakatingin pa rin kay Glaiza. "Uhm, well, yung totoo? Sige sasabihin ko na... dati nag-try ako sayo. Tinanong kita kung pwede pero...." Tinaas ni Benjamin ang balikat niya. "Na-friendzoned mo ko."

Lalong napakunot ang noo ni Glaiza. "Na-friendzoned?"

Tumango lang si Benjamin.

"Hindi ko pa rin maintindihan pero... Si..." Nag-look away saglit si Glaiza na parang nag-iisip. "Si ano... Sino nga ba yon? Si... Chyns? Chyns nga ba?"

Tumango si Benjamin. "Oo. Si Chynna."

"Sino siya sa... buhay ko?"

"Malapit na kaibigan mo rin si Chynna. Nagkasama kayo sa show dati tapos mag-bestfriends kayo don kaya.. Tingin ko, simula non, naging mas close kayo at totoong naging bestfriends kayo."

Bigla namang parang naguluhan lalo si Glaiza. "Eh teka... Si... Rhian? Sabi niya bestfriend ko rin siya? Magbestfriends kaming tatlo?"


Napalunok si Benjamin. "Yun pa rin pala ang pakilala ni Rhian sayo?"


Napakunot nanaman ang noo ni Glaiza. "Ha? Anong ibig mong sabihin? Bakit? Sino ba talaga si Rhian sa buhay ko? Nagtataka na din kasi ako....."


Matagal na tinitigan ni Benjamin ang mga mata ni Glaiza. Bigla siyang nagdalawang isip kung dapat bang sa kanya manggaling ang totoo o hindi. Bigla siyang napaisip kung dapat ba niyang sabihin o hindi.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. "Si... Rhian kasi ano... Uhm, tingin ko pag nalaman mo ngayon, maguguluhan kapa. Kaya siguro mas maganda kung, kay Rhian nalang mismo manggaling."


Mabilis na umiling si Glaiza at tiningnan niya ng masinsinan si Benjamin. "Hindi. Sabihin mo na sakin. Parang awa mo na gusto ko ng malaman kung ano talaga siya? Kung sino ba talaga siya sa--"


"Girlfriend mo siya."



·


·


·

Literal na napatigil si Glaiza. Napalunok siya. "H-Hindi ako nakikipagbiruan Ben please naman--"


"Totoo." Ben said. "Totoo Glaiza. Girlfriend mo si Rhian at... Eto na, sinasabi ko na maguguluhan ka talaga pag nalaman mo pero totoo ang sinasabi ko. Oo, aaminin ko masakit sakin pero ito yung totoo e. Girlfriend mo siya. Girlfriend mo si Rhian, Glaiza."






Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Glaiza. Hindi niya alam kung bakit....

Hindi siya makapaniwala. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya.


RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now