Strings (7)

5.2K 161 34
                                    

(AN: Halos mga FLASHBACKS ang mga scenes po dito. Sana hindi kayo malito.)




*Flashback*


"Kayo na ni Luis?! Bakit hindi mo sinabi sakin agad bestie?!" Galit na bungad ni Bianca sa kanya.

"Dapat pa bang sabihin yun?"

"Of course!! Bestfriend kita and nagkecare ako sayo. So bakit hindi mo sinabi? Bakit si Luis?!"

"I told you. He gave me those things. Nag-effort siya for me!"

"Nag-effort?! Rhian gaano ka ba kasigurado na kay Luis nga galing ang mga yon ha?!"

"Siya lang naman mageeffort ng ganun. Sino pa bang 'L'?! Wala naman na!!"

"BUKSAN MO NAMAN YANG MGA MATA MO RHIAN!" Napasigaw na si Bianca. "Naging sarado yang puso mo sa katotohanan! Yang mga mata mo? Nagbubulagbulagan lang ba?!"


Napalunok si Rhian... "Hindi ko alam ang sinasabi mo pero--"


"Si Glaiza." Hindi na pinatapos ni Bianca si Rhian sa pagsasalita. "Si Glaiza yung nagbibigay ng mga Timtams, foods and letters sayo. Pati yung White rose. Siya lahat. Siya si 'L' Rhian."


Napakunot ang noo ni Rhian. Nakatingin siya kay Bianca na obviously ay naiinis sa kanya ngayon.

Si Glaiza si 'L'? Paano mangyayari yun?


"No. Impossible." Umiling iling siya na parang di naniniwala sa sinasabi ni Bianca.

"Sige. Wag kang maniwala. Paniwalaan mo yang boyfriend mo." Bianca sighed. "Hindi ako makapaniwala na inadmit ni Luis na siya yung nagbibigay ng gifts sayo kahit hindi naman? Such a liar."


Napaisip si Rhian.. Inadmit ba ni Luis na siya yung nagbibigay ng ganun? Hindi naman...



Teka. Tama, hindi nga inaadmit ni Luis na siya nga yung nagbibigay. Pero bakit.... Kutob naman niya na si Luis yun e.. Ayaw nga lang daw aminin..

Napailing siya. Nalilito siya.


"Paano mo nasabing si Glaiza?! Ni hindi nga siya pumupunta dito--"


"Plano niya yun. Gusto ka niyang suyuin ulit. Sinuggest namin na wag siyang magpakilala at parang secret admirer nalang dahil alam naman namin na kapag nalaman mong galing sa kanya, hindi mo yun tatanggapin dahil nga sa sama ng loob mo sa kanya." Bianca sighed. "Nag-effort siya Rhian. Humingi siya ng tulong samin ni Chynna. Tinanong niya sakin yung schedule ng Jogging mo and tuwing madaling araw pumupunta siya dito para ilagay yung Timtams and breakfast sayo kasama yung letter. She'll text me na nalagay na niya. Kahit may taping siya o kagagaling niya lang sa taping at wala siyang tulog, hindi pwedeng hindi siya dadaan ng madaling araw sa unit mo para ipadala yung TimTams at letter. That's an effort right? Effort na sa tingin mo gagawin ni Luis? Effort na sinasabi mo ngayong si Luis ang may gawa?"


Nabibigla si Rhian sa mga nalalaman niya. Hindi siya makapaniwala. Parang hindi siya makahinga... Si Glaiza? Si Glaiza si 'L'?



"And one more thing, 'L' means Love. Yun ang endearment niyo diba? Chynna suggested that. Nakipagpustahan pa nga ako na mahahalata mo agad but no. I'm surprised na up to this point, hindi mo pa rin pala gets na si Glaiza yung 'L' na sinasabi mong si Luis."

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now