Loving you (7)

8.3K 225 57
                                    

Nagbuntong hininga si Rhian pagkababang pagkababa niya ng sasakyan niya.

Kakarating niya lang sa set ng TRMD ngayon dahil shooting nila.

Dalawang araw na nakakalipas since nung tapusin na nila ni Glaiza yung ginawa nilang "official". Dalawang araw lang yun pero grabe yung pagdudusang naranasan niya. Nawala yung mga Goodmorning and Goodnight texts, sweet tweets, yung pupunta sa condo niya para dalhan siya ng breakfast. Nangulila siya dun. Pero wala, eto yung desisyon niya e. Kailangan niyang panindigan.

Sinabi na rin niya sa manager niya na tinapos na niya yung kanila ni Glaiza and of course natuwa ito. Tama daw yung decision ni Rhian. Wala na daw dapat pang problemahin.

Nagbuntong hininga nanaman siya tapos ay naglakad na. Pumunta siya sa may tent nila pero pinakalma muna niya ang sarili niya bago siya pumasok sa loob. Alam niyang nandiyan na si Glaiza sa loob ngayon. Hindi niya alam kung anong gagawin niya o kung anong irereact niya pag nakita niya ito.. Again, She sighed.

Pumasok siya sa loob ng tent at hindi nga siya nagkamali. Nakita niya sina Chynna, Katrina at Glaiza na....

Nagtatawanan?

Nakita niya ang hitsura ni Glaiza na tuwang tuwa kay Chynna ngayon. Parang wala itong problema.

Napakunot ang noo niya.

Dalawang araw palang diba? Ang bilis naman niyang maka-move on.. Hay Rhian. Ano bang akala mo? Wala pa namang isang buwan nung naging kayo ah? Tsaka ikaw yung may kasalanan kaya wag kang magtaka diyan...

·

·

·

"Uy Rhian! Nandiyan kana pala!"

Napalingon siya ng batiin siya ni Chynna.

Nag-smile lang naman siya dito. Tapos tiningnan niya si Glaiza. Nakikipag-usap ito kay Katrina at para atang di napansin na dumating siya.

Nahalata ata ni Chynna na naghihintay si Rhian ng bati ni Glaiza kaya naman,

"Uy Glaiza, Katrina! Batiin niyo naman si Rhian."

Tiningnan naman ni Glaiza si Rhian.

Nabigla si Rhian sa tingin na yun.

Nagulat pa siya nang bigla siyang nginitian ni Glaiza. "Hi."

Wait wait wait... Rhian ngumiti siya? Nginitian ka niya? Hindi siya galit sayo or what? Teka lang... Nananaginip ba ko?

Nagsmile pa ulit ito tapos tumingin na kay Katrina para ituloy yung usapan nila.

Natigilan naman si Rhian.

She smiled at me... And she said 'Hi'.. Oh my.. I missed her...

//


"Nagsisisi ka no?"

Nabigla siya nang maramdaman niya si Chynna na tumabi sa kanya. Kasalukuyan niya kasing tinitingnan si Glaiza na kasalukuyang nakikipagtawanan nanaman kina Katrina at Mike. Parang enjoy na enjoy ito sa kwentuhan. Para talagang nawala bigla ang sakit na naramdaman nito nung naghiwalay sila.

"Well, to be honest, Oo.. Pero... She looks so happy naman na e. So I need to be happy na rin."

"Galing niya magpanggap no?"

Napatingin naman siya kay Chynna nang marinig niya yun.

"What do you mean?"

Tiningnan din siya ni Chynna. "Yung dalawang araw na break kayo? Dun siya natulog sa bahay. Actually kanina sabay kaming pumunta dito sa set kasi dun nga siya nagstay sa bahay. At dun daw muna siya magsstay kasi ayaw niya muna sa condo niya dahil umiiyak lang daw siya."

RASTRO FEELSOnde as histórias ganham vida. Descobre agora