Strings (2)

5.8K 170 38
                                    

"Ano bang naisipan mo Chyns at ihahatid mo ko ngayon sa Studio?" Tanong ni Rhian kay Chynna habang nasa biyahe sila.

Chynna insisted na ihatid si Rhian sa GMA building dahil may rehearsal ito ngayon para sa SAS performance nito sa Linggo.

"Rhian ang ano mo. Magthank you ka nalang kasi hinatid kita.." Chynna said habang nakatingin sa road.

Napailing si Rhian. "May kotse naman ako."

"Alam ko. Pero matagal na tayong di nagkikita. Namimiss lang kita kachikahan. Kamusta ka na?" Saglit lang na tiningnan ni Chynna si Rhian tapos sa road na ulit.

Rhian sighed. "I'm fine. Ano bang bago?" She said na medyo may pagmataas ang tono.

Chynna looked at her again for a second tapos sa road na ulit. "Hindi ka kasi mukhang okay.. Hindi maaliwalas ang mukha mo di tulad nung huli kitang nakita."


"Well, Nagbabago ang tao. And isa ako dun. Nakakasawang mag-stay sa isang mood porkit yun ang nakasanayang makita ng iba sakin. Change is good. Try mo minsan." Rhian said at tumingin nalang sa bintana.


Napailing si Chynna. "Hindi ganyang Rhian ang inaasahan kong isasakay ko dito sa kotse." She sighed. "Nageexpect ako ng mga weird na kwento mula sayo. Nageexpect ako ng corny jokes. Pero ano yan Rhian? Sinasabi mong okay ka pero napakaobvious naman na hindi."

"Paano niyo nasasabing hindi samantalang di niyo naman alam ang totoo kong nararamdaman?" Rhian looked at Chynna. "I'm fine. Okay lang ako. Kung hindi kayo naniniwala, then just please stop asking me kung Kamusta ako." Nag-look away na ulit ito na parang inis na inis.


Napailing nalang ulit si Chynna. Hinayaan nalang muna niyang lumamig ang ulo ni Rhian.


Hanggang sa dumating sila sa GMA building, di na sila nagusap and it's very unusual kasi hindi nga si Rhian yung tipo ng taong di magsasalita ng mga 1hr dahil hindi nito matitiis. Mga 5 minutes nga, di na nito matiis na di magsalita e. But, eto nga, this is not the usual Rhian...


"Thanks." Yun lang ang salitang sinabi ni Rhian pagkababang pagkababa niya ng sasakyan ni Chynna.


Chynna sighed at nagdecide siyang bumaba din ng sasakyan.


Papasok na sana si Rhian sa loob nang magsalita siya. "Mga anong oras tapos ng rehearsal mo?" Chynna asked Rhian.

Napa-stop naman si Rhian but she didn't look back. "May photoshoot pa ko so I think matatapos appointment ko ng 6pm."

"Okay. Sakto. Sagot ko na Dinner. Puntahan ulit kita dito." Chynna said.

Rhian sighed. "Ikaw bahala." Tapos nagstart na itong pumasok sa loob.



Napailing nanaman si Chynna habang nakatingin sa likod ni Rhian..



Hindi siya yung Rhian na kilala ko... Tama sina Bianca, hindi na nga siya tulad ng dati..



//





"Rhi!" Boses ni Lovi Poe ang bumungad sa kanya pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng Studio kung san sila magrerehearse para sa performance nila sa SAS.

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now