Like I Can (3)

6.3K 194 35
                                    

Ano ba ano ba ano ba...



Paulit ulit ng sinasabi ni Glaiza sa utak niya yung mga salitang yun kanina pa.

Kasalukuyan siyang nakapikit dahil finifeel niya yung moment ng pagyakap ni Rhian sa kanya. Sobrang lapit nila sa isa't isa.. Konting konti nalang magdidikit na yung mga labi nila...




"Okay. Next shot!" Sabi nung kumukuha ng pictures sa kanila.


Nakahinga nanaman ng maluwag si Glaiza pero nandun pa rin yung kabog ng dibdib niya. Nilapitan na sila ng mga staffs at make-up artists at inayusan na ulit sila.


It's for 'TRMDLovewins' by the way...




"Uy Glaiza, sorry kung nanginginig yung kamay ko ah... I'm so nervous." Rhian said tapos pinagpag pa yung kamay niya.

Napangiti si Glaiza na parang naiilang din.. Ako din naman Rhian. Ako din... Sinabi nalang niya sa sarili niya.


"Okay. Glaiza, dito ka sa likod ni Rhian." Nilapitan na sila nung photographer at sinabi yung magiging position nila sa shoot na to. "Yung feels damahin okay? Be natural. Yung init kasama din dito so it's normal..." Nginitian sila ng Photographer tapos umayos na sila ng position nila. "Basta yung hotness wag alisin ha? Just be natural. Yun lang." Lumayo na yung photographer sa kanila at sinimulan na nilang ayusin yung positions nila para sa shoot na yun.


Nasa likod ni Rhian si Glaiza. Hindi alam ni Glaiza kung san ilalagay yung kamay niya so kahit medyo naiilang na, nilagay niya yung kamay niya sa hips ni Rhian...


Pero nagulat siya kasi kinuha ni Rhian yung mga kamay niya at inilagay sa tummy nito so ang nangyare, yakap na niya si Rhian ngayon... Naka-back hug na siya..

Literally.

Nilingon siya ni Rhian saglit tapos ngumiti ito. "Be natural daw." Tinap pa nito ang mga kamay niyang nakalagay nga sa tiyan ni Rhian.


Napalunok si Glaiza... Para siyang hinihingal.. Sobrang damang dama na niya talaga yung pagpintig ng puso niya...



Rhian ano ba yan... Sasabog na ata yung puso ko...



"Okay.. Nice. Ganyan nga.." Sabi nung photographer nang makita ang position nila. "Okay. 3..2..1."


Click.


"Next.." Sabi pa nito so umayos nanaman ng positions sina Rhian at Glaiza.



Nagbuntong hininga si Glaiza. Nginitian nanaman siya ni Rhian. "Lamig ng kamay mo Lubb."


Tiningnan ni Glaiza si Rhian. Kinakabahan pa din siya. "Ikaw kasi e."

"Oh bakit ako?"

Umiling nalang si Glaiza dahil ayaw niyang madulas at baka kung ano lang ang masabi niya. Napaka-sweet mo kasi.. Umaasa ako...



"Labas na tayo. Rooftop shots naman." Sabi nung photographer so pinagbihis na sila para sa rooftop pictures naman na gagawin nila.

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now