Air (8)

5.7K 212 61
                                    

"Umuwi ka na."




Napabuntong hininga nanaman si Rhian nang marinig yung mga salitang yun from her cousin, Matt. Nandito siya sa condo kung saan tumitigil si Matt dito sa Australia. Magiisang linggo na rin ata siya dito? Sobrang dami na niyang ginawa. Nilibang ang sarili para makalimutan yung paguusap nilang dalawa ni Glaiza sa pinas. Nililibang ang sarili at nagbabakasakaling mawala kahit saglit yung hirap, sakit, lungkot na nararamdaman niya. Nag-skydive na rin siya dahil gusto niya daw iwan nalang sana ang ala-ala nilang dalawa ni Glaiza sa ere.


"Umuwi ka na." Matt repeated. Actually kanina niya pa ito sinasabi kay Rhian na para siyang nang-aasar. Alam niya kasi yung buong kwento between Rhian and Glaiza so simula ng ikwento ni Rhian ang lahat sa kanya, lagi na niya itong inaasar.



"Umuwi ka na." Ulit nanaman niya. Medyo natawa siya sa nakitang reaction kay Rhian. Parang uusok na ang tenga nito dahil halatang naaannoy na ito sa kanya.

"Can you please stop Couz? Sinabi mo na yan for the nth time and nakakainis na pakinggan." Umirap si Rhian dahil medyo naiinis na nga siya sa pinsan niya.

Matt laughed. "Saan ka ba naiinis? Dun sa fact na kapag umuwi ka kasi, may possibility na bumalik yung ala-ala ng huling conversation niyo ni Glaiza before ka pumunta dito OR yung katotohanang kahit umuwi ka pa ng pilipinas, maaaring di pa rin ulit kayo magkita dahil marami ngang may ayaw na pagkitain kayo ni Glaiza?"


"Naiinis ako kasi pinapauwi mo na ko." Rhian looked at her cousin. "Bakit mo ba ko pinapauwi? Ayaw mo na ba ko dito?"

"No. Pinapauwi kita dahil gusto kong gumawa ka ng move between you and Glaiza para naman magkaroon ng improvement yung situation na kinalalagyan niyong dalawa." Parang biglang naging seryoso si Matt.

"Move? I already did. Actually, sabi ko pala diba sa kanya ipaglalaban ko siya? Na lalaban kaming dalawa pero ayaw niya. So I stopped. Yun naman ang gusto niya e."

"You stopped? Bakit Rhirhi may nasimulan ka na ba? I mean, nakagawa ka na ba ng move para makuha siya sa pader na kinalalagyan niya? Actually, ang pagkakaintindi ko sa kwento mo, sinabi mo lang sa kanya na lalaban kayong dalawa. Na nandiyan ka para samahan siya sa mundong kinakaharap niya at tutulungan mo siya... Pero sa nakikita ko sa isip ko based on your story, wala ka pa namang ginagawang move. After mo sabihin na handa kang lumaban tapos umayaw si Glaiza, nag-stop ka na. Hindi ka naman nag-start gumawa ng move Rhirhi..."


Napalunok si Rhian. Matt's right. Hindi naman ako gumawa ng move para patunayan yung gusto kong mangyare na ilayo siya sa mundong kinalalagyan niya... Sumuko agad ako. Sinabi niya lang na tigilan na namin at magkalimutan na kami, ginawa ko naman. Nag-stop na kong mag-try... Mali ako. Mali pala ako...


Matagal na napaisip si Rhian....






"You're right. I need to make a move." Rhian said.

Napangiti si Matt. "You really love Glaiza huh?"

"Yes. I love her."

"It's unbelievable. Matagal ko naman ng napapansing medyo may pagka-boyish nga si Glaiza but hindi ko ineexpect na cousin ko pala yung macoconvert niya..." Medyo natawa si Matt.

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now