Strings (6)

5.1K 191 62
                                    

"Good morning."

Bati sa kanila ni Chynna pagkalabas na pagkalabas nila ng kwarto.

"Good morning din." Bati ni Bianca. "Teka.. Si.. Si Glaiza?" She asked.

Chynna sighed. "Hindi siya nagstay dito kagabi. Hindi din naman daw marami yung nainom niya kaya nagdrive siya pauwi."


Nag-look away si Rhian. Hindi niya alam kung anong mafifeel niya. Well, parehas lang naman silang nasaktan ni Glaiza... Hindi niya alam kung yung pagtatalo nila kagabi yung dahilan kung bakit hindi ito nagstay sa bahay ni Chynna.


"Uhm, Uuwi na rin siguro ako. Ayusin ko lang gamit ko." Pabalik na sana si Rhian ng kwarto nang magsalita sina Chynna..

"Hindi kana magbbreakfast dito?" Chynna asked her.


"Bestie.. Kumain ka muna. May hangover ka pa ata e." Bianca said.


Umiling si Rhian. "Kaya ko naman. Okay lang. Sa condo nalang ako kakain. Thank you." Pumunta na siya sa kwarto para ayusin yung gamit niya.


Nagkatinginan nalang sina Bianca at Chynna.


"Hay nakooooo." Parang stress na stress na sabi ni Chynna.

Napailing nalang si Bianca.


//





Please smile today.

-L



Napakunot ang noo niya. Pumasok siya sa loob ng unit niya daladala ang isang box ng TimTam at white rose ulit from L.

Pero nagtataka siya. Parang ang plain ng message. Wala ng iba. Pero hinayaan nalang niya yun.


She sighed nung maupo siya sa couch.

Tiningnan niya yung isang contact number sa phone niya. Napabuntong hininga nanaman siya. Kailangan mo na siyang bigyan ng chance. Kailangan patunayan mo na sa sarili mo na nakamove on kana. This is enough. Itong mga bagay na ibinibigay niya sayo ay sapat na para bigyan siya ng chance. Siya lang yung makakapagpatunay na nakamove kana nga talaga kay Glaiza...

She took a deep breath again and called that person.

"Hello Luis?"


"Hey Rhian..."


"Uhm busy kaba? Pwede ka bang pumunta dito sa condo ko?"

"Huh? Oh. Okay. Sure. May problema ba?"


"I have something to tell you."


"Okay okay. I'm on my way."

"Ingat." She ended the call.


Napalunok siya. Okay Rhian. Kung para sayo, sapat na talaga tong effort na ibinibigay ni Luis, then go.


//





"What?! I mean... Seryoso ka ba Rhian?" Gulat na gulat na sabi ni Luis.

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now