Bring It Back (3)

4.5K 163 25
                                    

"Here we go." Nilapag ni Rhian yung ibang gamit ni Glaiza sa may living room.


Nilibot naman ni Glaiza ang mga mata niya sa loob ng bahay....



"Bahay ko ba to?" Naglakad si Glaiza at tiningnan ang buong bahay.


"Bahay natin." Rhian smiled.


Tiningnan naman ni Glaiza si Rhian. "N-Natin? Bakit bahay natin? K-Kapatid ba kita? Nasan ang pamilya ko? Bakit nasa iisang bahay tayo?"



Napalunok si Rhian. Hindi niya alam ang sasabihin pero alam niyang dapat may sabihin siya...


"Uhm, yung family mo kasi... Uhm, mahabang kwento kung bakit hindi kita dun dinala and don't worry pag.. Uhm, alam ko na maiintindihan mo na ang lahat, sasabihin ko din sayo."


Napakunot ang noo ni Glaiza. "So bakit nga tayo magkasama sa iisang bahay? Magkapatid tayo?"



Umiling si Rhian. "We're not." She exhaled. "We're bestfriends." Yes. Yes bestfriend... "Bestfriends tayo and naisipan nating magsama sa iisang bahay para.... para makatipid kasi uhm, parehas tayong artista."



Lalong napakunot ang noo ni Glaiza na parang naguguluhan siya. "Artista? Ako? Tayo? Niloloko mo ba ko?"



Lumapit si Rhian sa Girlfriend niya at hinawakan ang kamay nito. Hindi naman umangal si Glaiza so hinayaan nalang din ni Rhian na hawakan lalo ang kamay niya. "I'm serious. Artista tayong dalawa..." Lumingon si Rhian sa mga frames na nakalagay sa ibabaw ng cabinet. "Come on, look." Hinila ni Rhian si Glaiza papunta dun sa cabinet para ipakita yung mga pictures nilang dalawa. "Eto oh. Look, kasama natin yung iba nating co-stars dito. I know, ngayon hindi mo maaalala kung sinusino sila pero, co-stars natin yan noon..."




Napalunok si Glaiza at inalis niya ang kamay niya sa pagkakahawak ni Rhian at tiningnan yung ibang pictures. "Bakit puro tayong dalawa? Bakit lagi tayong magkasama sa picture?"



Kasi nga mag-Girlfriends tayo.... Girlfriend kita and walang moment na di tayo nagsamang dalawa. Rhian thought.


"Uhm, kasi nga bestfriends tayo... And marami din tayong nagawang projects together." Yun nalang ang sinabi ni Rhian dahil ayaw pa nga niyang sabihin muna sa Girlfriend niya ang totoo.



Tumango si Glaiza at tiningnan niya si Rhian. "Ah, pwede bang... pwede bang pumunta nako sa kwarto ko? Inaantok kasi ako at gusto ko munang magpahinga."


Mabilis na tumango si Rhian. "O-Oo naman. Halika. Sasamahan kita--"


"Wag na." Glaiza said so napatingin si Rhian sa kanya. Nagbuntong hininga si Glaiza. "Pwede bang ituro mo nalang sakin kung saan? Ako nalang ang pupunta."



Napalunok si Rhian. "Uhmmm, ano, dun sa taas. Pagtaas mo, yun na yon. Yun lang naman kasi ang kwarto dito bukod dun sa guest room."

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now