Loving you (3)

8.3K 233 68
                                    

Tiningnan ni Glaiza si Rhian sa kama. Nakatagilid ito at mukhang tulog na.

Pumunta siya sa kama. Inayos niya yung kumot at humiga na siya.

·

·

·

"Sorry kanina."

Nagulat si Glaiza nang marinig na sinabi yun ni Rhian. Bigla itong umayos ng higa at tumingin sa kanya saglit tapos tumingin na sa kisame. Tiningnan naman niya ito.

"Sorry dun sa kiss Glaiza... Hindi talaga sinasadya.."

Hindi alam ni Glaiza kung matatawa ba siya dahil sincere na nagsosorry si Rhian sa kanya pero sa kisame naman ito nakatingin.

Napangiti siya. Ayaw niyang maging awkward sila sa isa't isa dahil dun. Though, medyo nailang nga siya kasi first girl kiss niya yun.

Tiningnan niya bigla si Rhian sa mga mata. Napatingin din naman si Rhian sa kanya.

"First girl kiss ko yun."

"I know. Kaya nga sorry. Hindi ko talaga sinasadya na makuha yung first girl kiss mo--"

Hindi na natapos ni Rhian ang pagsasalita dahil kinissan siya bigla ni Glaiza sa ilong. "Shhh. Tama na. Okay lang yun. Okay? Ang cute mo talaga." Tapos nagsmile na si Glaiza at humiga na ng ayos.

Natulala naman si Rhian.

Nang mahimasmasan, she looked at Glaiza na ngayon ay nakapikit na pero nakangiti. Medyo natawa siya at kinurot ito sa ilong.

"So para saan naman yung kiss sa ilong?"

Minulat ni Glaiza ang mga mata niya at biglang niyakap si Rhian tapos pumikit na ulit na parang matutulog na.

"Ang cute mo kasi e. Tara na matulog na tayo... Lablab." Ngumiti ito.

Hindi naman makagalaw si Rhian dahil yakap nga siya ni Glaiza.

Wala sila sa scene ngayon. Totoo to. Nakailang lunok pa siya bago tiningnan ulit yung mga kamay ni Glaiza na nakayakap sa kanya..

She smiled.

Rhian Ramos, friendly reminder... Kinikilig ka.

//

Nagising si Glaiza nang maramdaman niyang nakapatong ang braso ni Rhian sa bewang niya.

Nabigla siya for a second dahil magkaharap pala sila ngayon... She looked at her.. She looks so angelic kahit tulog. Walang make up pero ang ganda pa din. Very Natural yung hitsura. Wala sa loob na napatingin siya sa mga labi ni Rhian.. Ewan niya pero biglang bumilis yung tibok ng puso niya...

Yung kiss...
Yung first girl kiss ko...

Ewan kung bakit napangiti nalang si Glaiza... Hinawi niya ang buhok na medyo humaharang sa mukha ni Rhian..

Glaiza iba na ata yang nararamdaman mo kay Rhian...

Umiling siya. Hindi naman to pwede e. Wala lang to... Babae ako.

Tinanggal niya ang braso ni Rhian sa bewang niya tapos tumayo na siya. Tiningnan niya ang bintana. Malakas pa rin ang ulan. Hindi ata tumila.

Tiningnan niya pa ulit ang natutulog na si Rhian. Napangiti pa siya at inayos ang pagkakakumot nito. Lumabas siya ng kwarto at pumunta na sa kusina.

Nabigla naman siya nang abutan niya si Chynna na busy sa paghihiwa ng kung ano. For breakfast ata.

"Goodmorning Chynna." Bati niya dito.

RASTRO FEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon