Time Machine (9)

4.4K 210 116
                                    

Napadilat ng mga mata si Rhian. Hindi pa siya gumagalaw e ramdam na ramdam na niya ang sobrang pananakit ng katawan niya especially yung tagiliran niya at parang nahihirapan siyang huminga.

Pumikit ulit siya dahil parang nanlalabo ang mga mata niya.

Sa pagpikit niya, parang may pangyayaring bumalik sa ala-ala niya.





BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPPP!!!!!





Napamulat siya bigla. "Glaiza!"


Napalunok siya at parang biglang napanic. Babangon sana siya pero nandun pala si Nadine sa kwarto at may kausap sa phone.

"Rhi?" Nadine said nang makita siya. "Uhm, tawag nalang ako mamaya. Gising na siya." Sabi ni Nadine sa phone at nilapitan si Rhian. "Rhi, Oh my God. Kamusta? Okay ka lang ba?"


Napalunok nanaman si Rhian. "W-Where's Glaiza?"



.


.


.


Nag-look away si Nadine.

Doon kinabahan si Rhian. Sobrang obvious nung answer sa gesture na yun pero hindi siya naniniwala. Ayaw niyang maniwala.

"Where's Glaiza?!" She asked again.

Lumunok si Nadine at tiningnan si Rhian. "Rhi, Kahapon pa."

"What do you mean?!"

Nag-look away ulit si Nadine. Hindi niya alam ang sasabihin kay Rhian. Hindi niya alam kung paano sasabihin.

"Rhiri...." Napalunok nanaman si Nadine. "Rhi, wa-wala na.. Wala na si Glaiza--"

"No!" Rhian said at dali daling tinanggal yung mga nakakabit na tubo sa katawan niya, sa braso niya, sa kamay niya. Sobrang damang dama niya yung pananakit ng katawan niya pero pinilit niya pa ring tumayo at umalis sa kama na yun para puntahan si Glaiza..

Hinawakan ni Nadine ang braso ni Rhian nang muntik na itong mabagsak sa sahig nang makaalis na ito sa kama. "Rhian..." Hindi niya alam ang sasabihin sa kapatid. Alam niyang sobrang hirap nito.

Umiling si Rhian. "Dalhin mo ko kay Glaiza please Nadine I wanna talk to her. Gusto ko siyang makita at sabihin na mahal ko siya please dalhin mo ko sa kanya. Please Nadine."

Nadine looked at her. Kitang kita niya yung lungkot sa mga mata ni Rhian. Yung sakit, yung takot.

"Rhiri, wala na si Glaiza. I'm sorry."

Umiling ulit si Rhian. "Hindi. What the hell are you talking about?! Magkasama lang kami kanina! Wag mo nga kong lokohin Nadine. Hindi ito magandang biro!"

"Rhian, kahapon pa yung sinasabi mong kanina. Kahapon nangyari ang lahat. Kahapon kapa natutulog dito dahil malala yung tama sayo. Look at yourself napakadami mong galos, sugat, pasa. Yung ulo mo, may benda pa." Nadine exhaled. "And si Glaiza.... I'm sorry pero kahapon...... kahapon nung dinala siya dito, wala na siya. Dead on Arrival."

Yung mga salitang yun yung naging dahilan ng sunud sunod na pagbagsak ng luha ni Rhian. Umiling siya ng paulit ulit. Ayaw niyang maniwala. Kunwari nalang hindi niya yun narinig.

"Nadine, please dalhin mo na ko sa kwarto niya ngayon kung nasan siya. Please, baka may mga sugat din siya, baka may masakit din sa kanya. Gusto ko siyang makita. Gusto kong makita kung okay lang siya. Gusto kong tingnan yung mga sugat niya. Please, dalhin mo ko sa kanya. Please."

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now