Like I Can (1)

9.5K 201 51
                                    

Nasa studio 8 ng GMA building sina Glaiza at Rhian dahil may meeting sila ngayon para sa darating nilang photoshoot. Kasama nila sina Chynna at Sheena Halili dahil pinatawag din ito ng management dahil kasama din ito sa ibang shoots.

Nag-break time muna sandali at kasalukuyan na ngang naghaharutan at nagtatawanan ang apat ngayon.

"Parang walang pinagkaiba si Sally at Sheena sa totoong buhay no?" Natatawa tawa namang sabi ni Chynna kaya nakatikim siya ng tulak mula kay Sheena.

Nagtawanan naman sila. "Napaka-sama mo Chynna." Inirapan naman ni Sheena si Chynna.

"Bakit? Napakapikon mo! Wala naman akong sinasabi ah?" Natawa si Chynna. "Ako din naman ah? Parang wala din akong pinagkaiba sa role kong Batchi kasi parehas kaming maangas tsaka gwapo." Medyo nag-in character pang umakto si Chynna kaya natawa sina Glaiza. "Pero ang talagang walang pinagkaiba, ang Jathea at Rastro."

Napa-stop naman sina Glaiza at Rhian sa pagtawa. "Kami nanaman trip mo Chynna." Glaiza said.

"Totoo naman ah? Ang Jathea nagkikiss, Ang Rastro din nagkikiss." Natawa si Chynna.

Napakunot naman ang noo ni Glaiza pero medyo natawa si Rhian.

"Wala kang ebidensya." Glaiza said.

"Meroooon! Gusto mo pakita ko yung picture niyo?" Hamon ni Chynna.

Natawa si Rhian. "Impossible na nakita mo kami. Nasa CR kami nun.."

Nabigla naman sina Sheena at Chynna. Lalo naman si Glaiza kaya napatingin silang lahat kay Rhian.

"OH MY GOODNESS!!! PUNYEMAS!! SABI KO NA NGA BA NAGKISS NA KAYO EH!!!" Di naman napigilan ni Chynna ang mapalakas ang boses dahil na narinig from Rhian kaya napalo nanaman siya ni Sheena.

"Bunganga mo naman Bakla." Umirap pa si Sheena tapos tumingin ulit kay Rhian. "Pero seryoso? Sa Cr? Ano ginagawa niyo sa CR nun?"

Tumingin si Chynna kay Sheena. "Hello? Ano pa bang ginagawa sa CR?! Kung nagkiss sila sa CR... Edi syempre....." Sumenyas nalang si Chynna kay Sheena dahil ayaw niyang sabihin ng buo yung nasa isip niya.

"Hoy. Wag nga kayong green. Aksidente lang yun." Medyo natatawa tawa naman si Glaiza nung sinabi yun.

"Yes. That was an accident. A TOTAL accident." Sabi naman ni Rhian na medyo natatawa tawa din dahil sa reaksyon ng mga kaibigan nila.

"ACCIDENT?! Ano yun parang yung nabuntis tapos sasabihin sa Nanay, 'aksidente po ang nangyare' ANO YUN NABUNGGO NG ANO TAPOS BOOM NABUNTIS NA?! Eh sa inyo?! Ikaw Glaiza, nabunggo ng labi ni Rhian yang labi mo kaya boom. AKSIDENTE KAYONG NAGKISS?! Hoy mga tsong. Wag ako. Wag kame. Di niyo kami maloloko." Umiiling iling pa si Chynna na parang di paniwalang paniwala sa sinasabi ng dalawa.

Natawa naman si Rhian. "Promise. Aksidente talaga... But, No regrets tho." Tumingin siya kay Glaiza tapos nagsmile siya.

Di naman napigilan ni Glaiza ang mapangiti na rin dahil sa sinabi ni Rhian.

Di naman nawala sa mga mata ni Kapitan Chynna ang meaningful na tinginan ng dalawa. "YAN! YUN BA ANG AKSIDENTE?! MGA PUNYEMAS KAYO! ANG HAHAROT NIYO!! Sa susunod pag may nakakita sa inyo sa CR naku. Ewan ko nalang sa inyo!" Kunware namang nagpaypay si Chynna gamit ang mga kamay niya na parang stress sa mga naiisip niya.

Natawa nanaman sina Glaiza at Rhian.

Rhian looked at Chynna. "Your mind Chyns. Hahahaha. So Green." Medyo natawa pa siya nung sinabi yun kay Chynna.

"KASALANAN NIYO TONG DALAWA!!!" Napasigaw nanaman si Chynna kaya napatakip tuloy si Sheena ng tenga niya since siya yung malapit kay Chynna.

"Bunganga mo naman Chynna Ortaleza! Ano ba!" Inis na inis pa na sabi ni Sheena tapos medyo lumayo siya kay Chynna.

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now