Bring It Back (8)

6.2K 201 50
                                    

"Goodmorning Bestie!" Bati ni Bianca kay Rhian nung umagang yun.


Nag-half smile si Rhian nung pumunta siya ng kitchen kung nasan yung bestfriend niya. Umupo siya sa may dining table. "Goodmorning." She said.


"How are you? It's been a week simula nung pumunta ka dito. Nag-iimprove ba yung feelings mo? Or yung... heart mo umookay na ba?" Bianca asked.


And yes. 1 week na nga si Rhian dito ngayon sa U.S. kasama si Bianca. Tumawag noon si Chynna sa kanya na ikinagulat talaga niya. Hinahanap daw siya ni Glaiza at gusto siyang makausap that time. As in pagkaalis na pagkaalis niya. Nung una, hindi siya naniniwala sa sinabing yun ni Chynna pero nung araw din na yon, nakipagusap daw si Glaiza kay Chynna at hinahanap nga si Rhian. Nagpunta pa daw si Glaiza sa bahay nilang dalawa pero wala na talaga siya so umalis nalang din ito.

Rhian exhaled. "Uhm, yeah. Kahit papano..."


Hininto ni Bianca ang ginagawa niya tapos tiningnan niya si Rhian. "Iniisip mo pa din yung paghahanap sayo ng Girlfriend..... I mean, ng Ex mo no?"


Napalunok si Rhian at nag-look away. "I don't know... To be honest, of course napapaisip pa rin ako na.. Why did she do that? I mean, bakit niya ko hinahanap... Parang ayoko pa ring maniwala kay Chyns."


"Halos araw araw tumatawag si Chynna satin para lang sabihing gustung-gusto ka nga daw makausap ni Glaiza. Sa tingin mo nagsisinungaling siya?"


Rhian looked at Bianca. "Hindi ko naman sinasabi na nagsisinungaling si Chyns.. I mean, ako yung may mali... Kasi hindi ako naniniwala. I don't know parang ang hirap kasing paniwalaan. I mean, look, nakipagbreak si Glaiza sakin agad agad then kinabukasan hahanapin niya ko at gusto daw niya kong makausap? Ano yun? Parang ang bilis naman ng lahat."


Unti-unting napatango si Bianca meaning naiintindihan niya ang ibig sabihin ng bestfriend niya. "Then what if, unti unti ka na ngang bumabalik sa ala-ala niya? Tatanggapin mo pa ba siya? Kahit na sobra sobra kang naglabas ng luha dahil hiniwalayan ka niya?"



Nag-look away si Rhian na parang napaisip... Ang totoo hindi niya pa alam. Iniisip niya kasi na imposible ng mangyaring bumalik si Glaiza sa kanya...


"Uhm, ayoko pang magsalita kasi wala pa naman ako dun sa sitwasyon. I mean, hindi pa naman dumadating. Siguro kapag, nangyayari na siya tsaka ako makakapagdesisyon."



Bianca sighed. "Okay. So what if, right now. AS IN RIGHT NOW. Pumunta si Glaiza dito sa U.S. to talk to you and... Let's say nandito na siya. And sinasabi na niya na gusto na niyang bumalik ka. What's your decision? RIGHT NOW, Kung nandito nga siya?"




Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Rhian. Tiningnan niya ulit si Bianca...


Paano nga kaya kung pumunta si Glaiza dito para makausap lang ako? Anong gagawin ko?



Mabilis din siyang umiling. "Impossible." She said.



"What if nga lang eh? What if she went here just to--"

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now