Bring It Back (5)

5.1K 169 27
                                    

"Coffee?" Inabutan ni Chynna si Rhian ng coffee tapos tinabihan niya ito sa couch dahil kasalukuyan itong naglalaptop.


"Thanks." Rhian said at ipinagpatuloy lang nito ang ginagawa niya.



"Seryoso ka na ba diyan tsong?" Turo nito sa ginagawa ni Rhian.


Rhian looked at her. "Bakit? Pangit ba? Corny ba?"


"Hindi naman. Kaya lang.... Ngayong, hindi nga tayo masyadong naaalala nung jowa mo baka, ireject niya yan."


"Kaya nga susuyuin pa natin siya e. Susuyuin natin siya para kahit papano bumalik na yung pagmamahal niya.. Pagmamahal na nararamdaman talaga niya.."


"Alam mo nakakatuwa kayo. Siya yung nagpropose tapos ikaw yung magsasabi ng 'Marry Me' through that." Tinuro ulit ni Chynna yung ginagawa ni Rhian sa laptop nito.


"Bakit? Ang corny ba?" Parang biglang na-conscious naman si Rhian.


Umiling si Chynna. "Ang cool nga e. Pero teka, i-detail mo nga sakin yung nangyari. Yung pagpopropose niya sayo sa ibang bansa. Napakatipid kasi ng kwento ni Glaiza samin ni Benjamin. Ang sinabi lang niya, biglaan. Na parang nakakita daw siya ng singsing na feeling niya magugustuhan mo tapos binili niya tapos nangyari na. Engaged na kayo. Yun na yung kwento niya. Hindi man lang detalyado." Medyo kunwareng nainis pa si Chynna kaya medyo napa-smile si Rhian.



"Seryosong gusto mong malaman kung paano nangyari?" Rhian asked.


"Aba oo. Kaya ikwento mo na Rhian Ramos. Naeexcite ako."



Sumandal si Rhian sa couch at humigop siya sa coffee na binigay sa kanya ni Chynna bago siya nagkwento.





"Ganito kasi........."










*** FLASHBACK ***





"Goodmorning to my beautiful gorgeous lovelove. My one and only superstar, my rocker, my diva, my Glaiza!"


Sinundot ni Rhian ang ilong ng Girlfriend niyang nakahilata pa sa kama nilang dalawa.



"Hmmm.. Labidabs naman eh... Maaga pa." Glaiza said with inaantok voice. Nakapikit pa siya nung sinabi yun na parang antok na antok pa nga.


Natawa si Rhian dahil nakkyutan nanaman siya sa Girlfriend niya. Pinatong niya ang kamay niya sa bewang ni Glaiza. "Gising naaa Lovelove. Nakahanda na yung breakfast. Tsaka aalis din tayo ngayon..." Rhian said.



Nakapikit pa rin si Glaiza. "Saan tayo pupunta?"



"Hmmm.. Saan mo ba gusto?" Rhian asked.



Biglang iminulat ni Glaiza ang isa niyang mata at tiningnan niya si Rhian.

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now