The other way around (6)

10.6K 290 25
                                    

"Glaiza pasabay ako ah. Mag-aayos lang ako ng gamit saglit lang." Nagpaalam saglit si Chynna kay Glaiza dahil katatapos lang ng taping nila ngayon at uwian na ulit. Binigyan naman sila ngayon ng 2 days para umuwi muna.

Hinahanap naman ng mga mata ni Glaiza si Rhian pero hindi niya ito makita. Pag ganito, lalapit na yun sa kanya at sasabihing sa Condo niya ulit sila magsstay at magmmovie marathon. Nagtaka naman bigla siya.


"Hintay ka lang Glaiza. Lalapit na din yun sayo mamaya."

Nakalipas na ang ilang minuto pero wala pa ding Rhian na lumalapit sa kanya. She exhaled. Kinuha niya ang phone niya at tatawagan na sana ito nang dumating si Chynna sa kinatatayuan niya.

"Tara na bespren. Tapos na ko. Same way naman tayo e. Sira kasi kotse ko."


Napansin naman ni Chynna na parang ang lalim ng iniisip ni Glaiza habang nakatingin sa phone nito. "Uy. Anong problema?"

"Nagdadalwang isip ako kung tatawagan ko. Nakita mo ba si Rhian?" She looked at Chynna.


"Ay oo nga pala si Rhian pa pala. Hindi ba siya nagaayos ngayon dahil sa condo mo siya magsstay ulit?"

"Sinabi niya yun sayo?"

"Hindi... Pero ganun naman lagi diba? Usually nagaayos na yun dahil sa condo mo nga ulit siya magsstay."


"Eh hindi ko pa nga siya nakikita.. Hindi pa rin lumalapit saki--"

"Guys!"

Napalingon naman silang dalawa sa tumawag. "Speaking...." bulong ni Chynna.

"I'm so sorry. Una na ko sa inyo. Bye." Nagwave na ito at bigla nalang umalis.

Nagulat naman si Glaiza sa ginawang yun ni Rhian. Hindi siya makapaniwala na ganun lang yun. Na hindi man lang nito sinabi na magsstay ito sa condo niya ngayon. Or kung bakit hindi ito sasama sa kanya ngayon. Walang dahi-dahilan. Basta na umalis.

"Wait wait wait.... Parang may iba ngayon ah?" Basag nanaman ni Chynna sa katahimikan. "Ganun lang? Wala man lang kiss? Or yung.. 'Uy girlfriend. Sa condo mo nalang ulit ako magsstay ha. May bago akong movies.' mga ganun.. Wala man lang dahilan kung bakit agad agad e aalis na siya? Anong nangyayare? May hindi nanaman ba ko alam?"

Napapikit si Glaiza at huminga ng malalim. Pinipilit niyang pakalmahin ang utak niyang nagcoconclude na ngayon dahil sa nangyari.

"Sabagay.. Baka nagmamadali lang. Naffeel kong nagooverthink ka nanaman.. Wag mo na isipin. Text mo nalang mamaya." Tinapik ni Chynna ang likod niya.

Napadilat siya at huminga nanaman. "Natatakot ako."

"Sabi ko na nga ba eh. Glaiza, wag ka munang magisip okay? Baka importante lang yung pupuntahan. Text mo na nga lang. Ikaw naman oh. Tara na nga. Sa kotse tayo magusap. Kung gusto mo ako na magddrive." Hinigit naman na ni Chynna si Glaiza papuntang parking lot.


Habang nasa byahe...

Napapatingin tingin si Chynna kay Glaiza na ngayon ay parang ang lalim ng iniisip. Siya nga ang nasa driver's seat dahil alam naman niyang di makakapagmaneho ang kaibigan dahil nagoverthink nanaman nga. Naisip niya na baka pulutin sila sa Emergency room pag hinayaan niya pang magdrive si Glaiza.

"Hay nako. Kung makapagdrama ka diyan akala mo naman sinabihan ka ng masama ni Rhian. Para kang si Althea ng The Rich Man's Daughter. Kilala mo yun?" Pang-aasar pa nito kay Glaiza.

"Natatakot ako Chynna ano ba."

"Bat ka natatakot? May sinabi ba siyang masama sayo ha? Buti nga nagpaalam pa e."

"Pero hindi naman siya ganun dati. Kung hindi siya magsstay sa condo, sana man lang nagbigay siya ng reasons. Pero anong ginawa niya? Umalis na agad siya. Nag-bye tas umalis na at sinabing uuna na siya. Hindi yun normal Chynna. Hindi." Napamasahe nanaman siya sa noo niya saglit tsaka tiningnan si Chynna. "Nasanay na kasi ako e. At Chynna alam mo eto kinatatakot ko. Natatakot ako na baka paggising ko isang araw wala na. Wala na yung tawagang 'Girlfriend', hindi na siya magsstay sa condo ko. Di na kami magkukulitan.. Natatakot ako na baka mangyari yun."

"Alam mo ang dami mo na agad naisip no? Tatlong salita lang ata yung binitawan niya napaka-advance mo na mag-isip. Hay nako Glaiza.. Sinasabi ko nga sayong itext mo. Intindihin mo naman muna. Baka nga may importanteng lakad lang tapos sa sobrang pagmamadali naisip niyang itetext nalang niya yung reasons niya kung bakit di siya makakapagstay sa condo mo. Wag kang magoverthink diyan."

"Pero natatakot nga kasi ako..."

"Tigilan mo na nga yang natatakot natatakot na yan.. Pag may nangyari na na dapat mong ikatakot, tsaka ka magreact okay? Kasi nakikita ko ngayon, wala naman e. Nagooverthink ka lang. Kaya kung ako sayo? Umidlip ka muna diyan. Pakalmahin mo muna sarili mo. At wag mokong kausapin baka sa poste tayo dalhin nitong sasakyan mo."

Nagexhaled nanaman siya.

Siguro nga...

Siguro nga nagooverthink lang ako.


///

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

..

.

.

.

AN: WAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!

Huhuhuhu SORRY NA GUYS KAILANGAN KO TONG GAWIN WAHHH :(

Anyways, THANKYOU TALAGA SA PAGSUPORTA. COMMENT NALANG KAYO OKAY? hihi I heart you guys! ✌

- ABANGAN ANG NEXT UD :)

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now