Time Machine (4)

4.5K 175 28
                                    

1:25 PM




"Oh my God." Rhian said for the nth time.

Nilingon siya saglit ni Glaiza. "Love? Okay ka lang ba talaga?"

Rhian nodded. "Naeexcite lang Lovelove. Gusto ko na kasi ulit makita sina Nicole and Cassie."

Napangiti si Glaiza. "Sana ganyan din yung pagiging excited mo everytime na gusto mo din akong makita."

Nilingon ni Rhian si Glaiza. "Syempre mas grabe yung kaba ko pagdating sayo. Ano ka ba Lovelove, everytime na kaharap, kausap, pag tumitingin ako sa mga mata mo, may spark pa rin. Parang nung unang beses lang."

Lumabas bigla yung obvious na kilig ni Glaiza. "Parang 'The moment we met, I just couldn't explain' ganun?" Natawa pa siya so natawa din si Rhian.

"Oo ganun. Hahaha." Medyo lumapit pa si Rhian sa nagdadrive na si Glaiza. Tiningnan niya ito....

Parang medyo napressure naman si Glaiza kasi feel na feel niyang nakatitig si Rhian sa kanya ngayon. At the same time, syempre kinikilig nanaman....

"Love, wag mo kong titigan." Glaiza said.

Nag-smile lang si Rhian habang nakatitig pa din kay Glaiza.




Niliko na ni Glaiza yung kotse dahil nasa tamang ampunan na ata sila. "Nandito na tayo." She said pero nakatitig pa din si Rhian sa kanya.

Inistop na niya yung kotse. Pero nakatitig pa rin si Rhian at nakasmile sa kanya.

Napa-iling siya at hinawakan ito sa magkabilang pisngi tapos tiningnan din niya ang mga mata ni Rhian. Magka-eye to eye na silang dalawa ngayon at ang lapit nilang dalawa sa isa't isa.

Nag-smile si Glaiza habang nakatingin pa rin sa mga mata ni Rhian. "Love, alam mo bang nageexpand daw ang pupil sa mata ng isang tao kapag nakatingin ito sa taong mahal niya? At yung pag-expand ng pupil sa mata, nakaka-attract daw lalo."

Napakunot ang noo ni Rhian sa sinabi ni Glaiza pero di niya binreak yung connection ng mga mata nila.

Lalong lumaki ang ngiti ni Glaiza habang nakatingin pa rin sa mga mata ni Rhian. "At ngayon, nakikita kong nageexpand yung pupil sa mga mata mo at sobrang nakakadagdag ng pagka-attractive mo kaya lalo lang akong naaattract sayo." She said.

Unti-unting nag-smile din si Rhian. "Kaya pala nakikita ko ring parang may nageexpand sa mga mata mo and yes, it makes you more attractive too." Napalunok si Rhian at di niya napigilan....














She kissed Glaiza for a second then natatawang binuksan na yung pinto nung kotse.

"Bumaba na tayo Lovelove bago pa tayo magka-inlove-an lalo at baka dumating pa sa point ng kung ano." Natatawang bumaba ng kotse si Rhian.

As usual, si Glaiza parang naging lutang nanaman dahil sa kiss ng Girlfriend niya. Napailing nalang siya at natawa din bago bumaba na rin ng sasakyan..



//







"Hi Babies." Rhian said.

Sabay na lumingon yung dalawang batang babae na nasa 6-7 ang edad. "Mommy Yoyon?!" Parang sabay silang nagulat at nagmadaling tumakbo papunta kay Rhian at yumakap.





"Oh my God. Babies. How are you? I missed you so much." Parang medyo nahabag pa si Rhian nung makita yung dalawang bata kaya niyakap niya ito ng mahigpit.


RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now