Loving you (5)

8.5K 183 38
                                    

"Rhian. Buti naman dumating kana."

Seryoso ang bungad ng manager ni Rhian sa kanya. Pinapunta kasi siya nito sa isang meeting place kung san sila pwedeng mag-usap ng private.

Ewan kung bakit kinakabahan siya ngayon.


Mahigit 3 weeks na simula nung maging official sila ni Glaiza. Well, getting stronger naman sila. Masayang masaya sila sa relationship nila bilang sila. Sobrang sweet nila on and off cam. Sikreto pa rin yung relationship nila dahil komplikado nga. Palagi silang lumalabas na dalawa pero inaakala nung iba na dahil lang close sila dahil magkasama nga sila sa isang show kaya sila palaging magkasama.

Pero kinakabahan siya ngayon. Nung isang gabi kasi, magkasama sila ni Glaiza na pumunta sa isang bar at inintriga talaga sila dun. Marami na ang nakakahalata na may iba na sa pagitan nila kasi ang sweet sweet nila sa bar na yun. Dahil nga maraming nang-iintriga sa kinikilos nilang dalawa sa bar, hindi na din sila nagtagal at umalis nalang sila. And naisip niya na parang wrong move yun.. Kasi baka isipin ng mga tao napakadefensive nila. Na guilty sila kasi umalis sila na parang may tinatago nga at parang totoo yung nga sinasabi sa kanila.

Napag-usapan naman na nila ni Glaiza yun. Ang laging sinasabi sa kanya nito, 'Wag mo silang intindihin. Wag mo ng masyadong isipin.' Pinipilit nga niyang tanggalin sa isip niya pero wala, naiisip pa rin niya... At ewan niya pero natatakot siya..

She sighed. Umupo siya. Katapat niya ang manager niya at kinakabahan talaga siya dahil parang nakakakutob siya na hindi maganda yung pag-uusapan nila ngayon..


"What is this?" Tanong ng manager niya at biglang ipinakita sa kaniya ang picture nila ni Glaiza.

Nagulat siya. At ito yung nasa bar nga sila. Sobrang lapit nila sa isa't isa at kung sasabihin niya sa manager niya na nag-uusap lang sila dito ni Glaiza, talagang hindi ito maniniwala dahil napaka-obvious naman sa picture na halos magkiss na sila.

Eto na nga bang sinasabi niya... Parang hindi maganda ang kahahantungan ng usapang to...

"It was... Uhm.." Napalunok siya. Masyadong blangko yung utak niya para makapag-isip ng palusot. "Uhmm.. Me and.. Me and Glaiza.."


"You're in a relationship." Nabigla siya nang tapusin ng manager niya yung gusto niyang sabihin.

"Uhmm You know--"

"Hindi to maganda Rhian." Hindi na siya pinatapos ng manager niya sa pagsasalita. "Alam kong alam mo na HINDI ITO MAGANDA." Medyo dumidiin na yung boses ng Manager niya.

"You don't uderstand--"

"YOU DON'T UNDERSTAND TOO, RHIAN." Natahimik si Rhian. "Hindi mo naiintindihan kung anong pwedeng mangyari pag nalaman to ng mga tao! Bakit nung una palang hindi mo naisip yung mga posibilidad bago naging kayo ni Glaiza De Castro?! Akala ko dahil lang sa show kaya malapit kayo sa isa't isa nung una palang."

"Akala ko rin." She finally told her Manager. "Akala ko din dahil lang sa show kaya lagi ko siyang naiisip. Akala ko pinaglalaruan lang ako ng feelings ko coz I'm Jade. Akala ko hindi ko lang maiwanan yung Jade Role ko pero hindi. Totoo na pala yung feelings ko for her. I fell."

"GOD RHIAN! YOU'RE NOT THINKING!!!" Tumataas na ang boses ng Manager niya. Buti nalang private talk to. Walang nakakarinig sa kanila. "Career mo ang bida dito. Career niyong dalawa.. We all know na hindi naman ganung tinatanggap ang same sex relationship sa showbiz industry. Nasa Pilipinas tayo Rhian. Alam kong alam mo na hindi ito... kahit kailan.. hindi ito magiging madali." Huminga ng malalim ang Manager niya bago nagpatuloy. "Sobrang laki na issue to kapag nagkataon Rhian. SOBRANG LAKING ISSUE ITO. And wawarningan na kita kasi makakatanggap ka ng di magagandang salita dahil dito. Worst, baka kamuhian pa kayo ng mga tao.. Alam mo naman ang mga tao ngayon, judgemental. Nasa showbiz pa kayong dalawa.. Sinasabi ko na sayo Rhian ngayon palang, kahit kailan hindi magiging maganda ang kalalabasan ng issue na to."

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now