Loving you (1)

11.8K 240 43
                                    

Sobrang lakas ng ulan ngayon at nasa place pa rin sila kung san sila nagte-taping ng The Rich Man's Daughter. Lahat sila nasa loob ng condo na ginagamit ni 'Althea' sa The Rich Man's Daughter dahil sobrang lakas nga ng ulan. Lahat sila pati mga staffs, Camera men, si Direk Dom, Si Mz. Suzi.. Sina Glaiza, Rhian, Chynna and Kat dahil scene dapat nila ang kukunan pero mukhang may bagyo ata kaya di na nila naituloy.

"Wala bang balita? Ano daw sabe?" Tanong ni Direk Dom sa isang staff.

"May bagyo daw po ngayon e. Papalapit pa lang daw po pero grabe na po yung lakas ng ulan."

Napakamot si Direk Dom ng ulo. "Patay tayo diyan. Mukhang hindi natin maitutuloy tong shoot ngayon ah."

"Yung ibang kable din po basa na Direk baka hindi agad agad magagamit." sabi naman ng isang Camera man.

Napa-iling naman si Direk na halatang namomroblema. "Wala na tayong magagawa. We need to Pack-up." Tiningnan naman niya sina Glaiza, Rhian, Chynna at Katrina na kasalukuyang naghihintay ng decision. "Kayong apat, you need to go home muna. Di natin matutuloy yung shoot ngayon.." Direk Dom sighed. "Hindi ko pa rin sure kung bukas kasi parang malakas na bagyo to. I'll text you nalang. Just wait for my text. Magpack-up na kayo para pagkatila na pagkatila ng ulan, makakaalis na agad kayo. Maybe rest days muna tayo because of this typhoon."

Sunud-sunod naman na tumango ang apat.

And nagstart na silang ayusin ang mga gamit nila.

Habang nag-aayos ng gamit si Rhian, parang bigla naman siyang may narealized kaya napapikit siya at napasandal bigla sa upuan.

Napansin naman ni Glaiza na parang biglang naging problemado si Rhian.

"Rhi okay ka lang?"

Tiningnan ni Rhian si Glaiza. "Jeez! Ang layo pa pala ng bahay from here! Ugh. Tapos ang lakas pa ng ulan. Hindi ata maganda kung bbyahe ako pauwi ngayon. Nakakainis! Siguro magsstay nalang ako dito together with the staffs."

Natawa naman si Glaiza sa reaction ni Rhian dahil parang problemadong problemado talaga ito.

"Rest days nga daw. Sa tingin mo makakapagpahinga ka dito? Tsaka marami silang aayusin dito dahil may mga pumapasok na ring tubig."

Tiningnan naman ni Rhian si Glaiza ng paawa. "So ano? Babyahe na lang ako from here hanggang bahay? Masyadong delikado ata.." Napayuko siya.

Napa-smile si Glaiza tapos tinap ang likod ni Rhian tapos hinawakan niya ang baba nito at ipinaharap sa kanya. "Pwede kang magstay sa condo ko. Dun din magsstay si Chynna dahil malayo din yung bahay niya from here. Pwede tayong tatlo dun." She smiled to assure her. "Wag ka na ngang magmukmok diyan. Medyo malapit lang dito yung condo."

"Nakakahiya sayo."

"Hala ano kaba! Si Chynna nga hindi nahiya eh!" Sinadya niya namang iparinig yun kay Chynna tapos tumawa siya.

"Hoy hoy Glaiza De Castro narinig ko yun!"

Natawa naman si Glaiza. Napangiti na rin si Rhian. "So pwede talaga ako?"

"Sus. Oo naman! Baliw to. Ang tagal tagal na nating magkakasama tapos nahihiya ka pa." Nginitian nanaman siya ni Glaiza.

"Ang bait mo sakin no?" Biglang tanong ni Rhian.

Medyo natawa naman si Glaiza at kinurot ang ilong ni Rhian. "Syempre naman! Lablab kita e."

Tapos nagsmile ito na parang kinilig. Hindi na nakasagot si Rhian dahil kinilig na rin siya.

Lablab?

so official na tawagan na namin yun? Akala ko ba pang Jade at Althea lang yun?

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now