CHAPTER 2

13 0 0
                                    

"Sir nandito na ang bago mong sekretarya," wika sa akin ni Lyka habang may pinipirmahan akong papeles sa aking lamesa.

"Sige papasukin mo na s'ya," inihinto ko muna ang aking ginagawa at hinarap si Sef na ngayon ay kakapasok lang ng aking opisina.

"Dude kumusta?" masayang bati niya sa akin at nakipag-high five pa sa akin.

"Wow ha! Parang hindi boss ang pagtatrabahuhan mo," baling ni Lyka sa amin. Sila ang mga matalik kong kaibigan noong nag-aaral pa kami sa kolehiyo at ngayon ay magkakasama naman kami sa trabaho ngayon.

"Kahit naman hindi na sir ang itawag niyo sa akin kapag tayo lang ang magkakaharap eh."

"Bakit ako pa ang napili mo maging sekretarya mo? 'di ba dapat babae?"

"Naku Sef allergic na yata siya sa mga babae. Ilang sekretarya na kaya ang sinisante niyan!" may diing wika naman ni Lyka.

"Alam mo naman kung ano ang dahilan 'di ba?"

"Don't tell me Mazer nababakla ka na kaya ayaw mo na sa babae?" pang-aasar ni Sef na ikinailing ko.

"Ayaw niya kasi magkaroon ng issue sa ibang babae dahil baka biglang bumalik ang one and only niya mamiss-understood pa niya," may halong pang-aasar naman ni Lyka.

Hindi ko naman lubos maisip na sadyang may kadaldalan itong kaibigan naming si Lyka. Tumawa pa ang dalawa.

"Naku ang ganda pa naman ni Kristine, tiyak marami siyang nakikilalang sikat na mga model doon," hinarap ko naman si Sef na nakahalukipkip at tinaasan pa ng kilay. Sanay na ako sa kanila kahit noon pa man. Hindi kumpleto ang araw nila kapag hindi ako iniinis.

Nag-aalala naman ako na baka makahanap ng iba si Kristine. She's a famous fashion designer at alam kong maraming nagtatangka ring manligaw sa kan'ya. Kahit noong magkasintahan pa kami ay maraming nagpaparamdam sa kaniya ngunit sadyang hindi niya ito pinapansin dahil magkasintahan pa kami noon. Pero ngayon, malaya siya kung sino man ang manligaw sa kan'ya. At iyon ang kinakatakot ko.

"O ano bigla kang natameme? Kinabahan kang bigla 'di ba?" pang-aasar muli ni Lyka.

"Pansin ko sa'yo Lyka parang trip na trip mo akong asarin ngayon! May gusto ka sa akin no?!"

"Yuck! Excuse me no. Hoy Mazer hindi porket boss kita at maganda iyang pangangatawan mo magkakagusto na 'ko sa'yo. Over my dead sexy body no!" kunwari'y masuka-suka pa si Sef sa sinabi ni Lyka. Hinampas naman siya nito ng folder na hawak niya.

"Pupuntahan ko siya next week after ng project natin sa Makati."

"Hay salamat! Mabuti naman Sir Mazer at naliwanagan ka na! hindi si Kristine ay susuyo sa'yo no!"

"Mazer, kung talagang mahal mo pa si Kristine sundan mo siya. At dapat masaya ka dahil sa tinatamasa niya ngayon. Kung kayo talaga ni Kristine, kayo talaga. Kung tatanga-tanga ka pa riyan malamang may hot model na nakaakbay sa kan'ya ngayon," nakangising wika ni Sef sa akin.

"Alam niyo kayong dalawa imbes na payuhan niyo 'ko lalo n'yo pa akong binubwisit eh. Mga kaibigan ko ba talaga kayo?"

"Oo naman dude kaibigan mo kami," natatawang turan ni Sef. "Sinasabi lang namin sa'yo mga posibleng mangyari kapag usad pagong ka," natahimik naman ako sa sinabi ni Sef. I know it's my fault. Hindi ko s'ya inintindi, sarili ko lang ang iniisip ko. Pero ngayon desidido na ako, pupuntahan ko s'ya sa France at liligawan ko siyang muli tulad ng dati.

Maaga pa lang ay umalis na ako sa opisina at naisip kong pumunta muna sa binili kong magiging bahay namin ni Kristine sakaling ikasal kami. Hindi ko muna sinabi ito sa kan'ya dahil gusto kong sorpresahin s'ya. Ang kaso bigla namang lumipad siya patungong ibang bansa na dapat ay sasabihin ko ang tungkol dito.

My Last Love (Mazer & Kristine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon