CHAPTER 61

9 0 0
                                    

Nag-aayos ako ng aming mga gamit nang lapitan ako ng kapatid kong si Isay. Umupo siya sa aking harapan habang inaayos ko ang mga maletang dadalhin namin kinabukasan. Ngumiti akong tumingin sa kan'ya at ganoon din siya sa akin.

"Ate,"mahinang tawag niya.

"Yes Isay? May kailangan ka ba? May masakit ba sa'yo? umiling siya at taka naman akong nakatingin sa kan'ya na wari ko'y may gustong sabihin.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo ate?"

"Bakit mo naman naitanong 'yan?"

"Kaya mo bang iwan ang puso mo rito?" Natigilan ako sa sinabi niya at muling binalingan ang mga maletang inaayos ko.

"Bakit bigla mong naitanong 'yan? Kaya tayo aalis para sa France kita maipagamot. May offer kasi sa'kin do'n at gusto kong kasama kayo roon"

"Ate, I know you're suffered so much. Alam ko rin kung gaano ka nasasaktan." Tumingin ako sa kan'ya at bigla ko na lamang siyang niyakap.

Bukas na ang kasal ni Mazer at bukas na rin ang lipad namin papuntang France para roon magsimula ng panibagong buhay kasama si mama at ang kapatid kong si Isay. Si Franco naman kapag may pagkakataon daw ay dadalaw din daw siya upang makita kami.

Hindi ko na napigilan ay napahagulhol na lang ako habang nakayakap sa aking kapatid. Masakit man pero kailangan kong tanggapin na hindi na kami para sa isa't-isa at kailanman ay hindi na kami babalik sa dati.

"Isay, I really love him. Sana ganoon lang kadali ang kalimutan siya, I tried to forget him god knows how I tried Isay pero itong puso ko ang hindi makaintindi!" wika ko sa pagitan ng aking pag-iyak.

Akala ko noong una ay okay na 'ko, akala ko kapag sinabi kong kakalimutan ko na siya ay madali na lang para sa'kin. Pero akala ko lang pala 'yon, ang totoo ay sobrang hirap niyang kalimutan dahil ilang taon din siyang naging bahagi ng buhay ko at ipinaramdam sa'kin ang totoong pagmamahal. Minsan ko nang ipinalangin na sana paggising ko ay nakalimutan ko na siya o 'di kaya'y nagkaroon na lang din ako ng amnesia.

"Ate balang araw maghihilom din ang sugat diyan sa puso mo at magiging masaya ka rin at kapag nangyari 'yon masaya akong mananahimik kasi nakita na kitang masaya sa taong mahal mo." Mabilis akong napakalas sa kaniya nang pagkakayakap at hinarap siya na punong-puno ng luha ang mga mata ko.

"Isay, don't you ever say that again. Kung iyan lang din ang kapalit mas pipiliin ko na lang ang makasama ka kaysa ang maging masaya. Nawala na ang lahat sa'kin at ayokong pati ikaw mawala nang tuluyan." Sunod-sunod ang patak ng aking luha pagkasabi kong iyon.

"Ate Kristine, alam naman natin na hindi na ako gagaling. Hahaba lang ang panahon na makakasama ko kayo pero tanggap ko na ngayon na balang araw pipikit na lang bigla ang mga mata ko," naiiyak naman niyang turan.

"Isay__"

"Ate Kristine masaya ako na nakilala kita. Masaya ako na ikaw ang naging kapatid ko kahit na sa maikling panahon lang. Ang hiling ko lang sa'yo huwag mong isarado 'yang puso mo dahil minsan ka nang nasaktan. Piliin mo pa ring maging masaya." Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay sa kaniyang pisngi.

Napayuko na lang ako at doon ay humagulgol na lang ako. Tama ang sinabi ni Isay, konting panahon na lang na makakasama namin siya at kailangan na rin namin itong tanggapin. Kung puwede lang sana ay pabagalin ko ang araw para lang makasama ko pa ang kapatid ko.

Gabi na nang matapos namin ni mama ang pag-eempake ng mga gamit namin. Pinagpahinga ko na rin si mama at ako nama'y naiwan sa sala at nagkakape habang pinagmamasdan ang mga bagahe namin sa aking harapan. Tipid akong napangiti at tila maiiyak na naman ako dahil aalis na naman ako hindi dahil sa trabaho kun'di para tuluyan nang makalayo kay Mazer.

My Last Love (Mazer & Kristine)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant