CHAPTER 20

7 0 0
                                    

Sabay kaming pumunta ng opisina ni Mazer dahil ito na ang huling araw na makakasama ko siya. Bukas ay babalik na muna siya ng Pilipinas dahil nag-aalala siya kay Nana Lumen at para rin asikasuhin ang kumpanya niya na naiwan doon. Naglalakad kami papunta sa aking opisina ng makasalubong ko si Leslie na tumatakbo papunta sa amin. Napahinto kami ni Mazer at taka namin siyang tinignan.

"Oh Leslie anong nangyari?" wika ko sa kan'ya nang makalapit na siya sa amin.

"Buti naman at dumating ka na. Si Cezil kanina pa nagwawala sa photoshoot niya"

"Ano na naman ba ang problema ng babaeng 'yan?"

"Ayaw niyang isuot 'yong mga damit na nakatoka sa kan'ya at nakikipag-away pa sa mga stylist." Mariin akong pumikit dahil sa inis at malakas na bumuga sa hangin.

Nakaka-isang hakbang pa lang ako para pumunta sa studio nang hawakan akong bigla ni Mazer sa aking braso kaya napatingin ako sa kan'ya.

"Easyhan mo lang sweety baka ikaw pa ang mapasama"

"I know Mazer, just wait for me in my office okay?" tumango lang siya at hinalikan ako ng mabilis sa aking mga labi.

Mabilis naman kaming nagtungo ni Leslie kung saan naman ginaganap ang photoshoot. Pagkapasok namin sa loob ay kalat-kalat ang mga gamit at lalo na ang mga damit na imomodel sana ni Cezil. Napataas ang kilay kong napatingin sa kan'ya at kita ko ang galit sa kaniyang mukha at pansin ko pa ang pamumula nito. Lumapit ako sa kan'ya at hinarap siyang nakahalukipkip.

"Are you done?" sarkastiko kong wika sa kan'ya. Masama naman niya akong tinitigan at nagpunta naman siya sa couch at naupo.

"Laisse-nous tranquille," ("leave us alone") wika ko sa mga tao na nandito sa studio. Hinintay ko muna silang makalabas bago ko muling binalingan si Cezil. Kinuha ko ang isang bangko at umupo sa kaniyang harapan. "Anong drama 'to ha Cezil?" inis kong saad sa kan'ya. Nginisian lang niya ako at sumandal sa couch.

"I just don't like what they want me to wear"

"E 'di sana hindi mo tinanggap 'yong offer dito gaga ka rin eh!"

"What?!"

"Ang sabi ko gaga ka!"

"How dare you talking to me like that!"

"Hindi ka magwawala ng gano'n kung wala kang mabigat na problema Cezil"

"Hindi mo ako kilala"

"I know. Pero babae ako Cezil"

"Koneksyon?"

"Now tell me. Gusto mo bang magtrabaho pa kasama ko o ako na lang mismo ang papalit sa'yo? Alam kong nakapirma ka na ng kontrata pero kung gan'yan ka naman mas maigi pang ipull-out ka na lang namin." Mataman niya akong tinitigan at maya-maya ay pansin ko na medyo nangingilid ang kaniyang mga luha. Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng awa sa kan'ya. Matagal na kaming magkakumpetensiya at ni minsan ay hindi kami nagusap na ganito. Gusto ko siyang damayan sa kung ano mang problema niya pero hindi ko alam kung papaano.

"Mazer rejected me." Natigilan naman ako at hindi alam kung ano ang sasabihin ko sa kan'ya. Nakatingin naman sa ibang direksyon si Cezil nang sinabi niya 'yon. "Hindi ko alam kung anong meron ka na wala ako at kung bakit ikaw pa rin Kristine! iniwan mo siya 'di ba at mas pinili mong magtrabaho rito?! Pero bakit? Bakit hindi niya pa rin ako magawang magustuhan?!" umiiyak niyang turan sa akin.

Sadyang nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya at kung paano naman siya pakakalmahin.

"C-cezil, hindi porke gusto mo siya o kaya'y mahal mo siya dapat ganoon din ang nararamdaman niya para sa'yo. May mga bagay talaga na hindi para sa atin at nakalaan na siya sa iba"

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now