CHAPTER 8

8 0 0
                                    

Pagkatapos kong mag-ayos ng aking sarili ay pinasadahan ko naman ang itsura ko sa harap ng salamin.

Naka-suot ako ng white crop-top at rip jeans, and of course mahilig akong magsuot ng four inches heels. Inilugay ko lang ang alon-alon kong buhok na kulay tsokolate. Naglagay naman ako ng light make-up pero ang labi ko ay palong-palo. Siguro ay nakasanayan ko na ang maglagay ng red lip stick simula noong maghiwalay kami ni Mazer. Iyon kasi ang pinaka ayaw niyang kulay mas bagay daw kasi sa akin ang pink lipstick.

Pero ngayon malakas ang loob ko dahil wala na naman kami at wala siyang karapatang pagbawalan ako kung gusto niyang magkabalikan kami. At kung talagang sincere siya, puwes paghirapan niya at hindi ako ang susunod sa kaniya.

Kinuha ko na ang pouch bag ko sa kama at lumabas na ng kuwarto. Nakita ko naman si Mazer na nakaharap sa may bintana ng sala at tila may kausap sa kaniyang telepono, at ang isang kamay nito ay nasa bulsa ng kaniyang pantalon.

Hinagod ko naman ang itsura niya at napakagat labi na lang ako ng mapunta ang tingin ko sa kaniyang puwet. Hindi naman mainit pero parang pinagpapawisan ako at nakailang lunok ako. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi siya kalibog-libog, kahit anong itsura niya ay parang lagi akong lalagnatin lalo na kung madikit lang ako sa kaniya. Kaya nga noong kami pa ay ilang beses na ring may nangyari sa amin at masasabi kong halimaw siya sa kama kahit na pareho naman kaming virgin.

Natauhan lang ako ng pumihit siya paharap sa akin at biglang kumunot ang noo niya ng suriin niya ang aking itsura.

"Okay I gotta go, i'll call you later,"sabi niya sa kaniyang kausap. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa aking braso at isinandal sa pader.

Halos mapapikit ako at hindi makahinga dahil sa lapit ng mukha niya sa aking mukha. Nang magmulat ako ay mataman siyang nakatitig sa aking mga labi.

Oh no! Huwag mo akong hahalikan, baka hindi ako makapagpigil maging marupok ako at dalhin kitang bigla sa kama kapag ganitong tigang ako ngayon. Wika ko sa aking isipan.

"What happened to your lips? Para kang kumain ng maraming sili dahil diyan sa kulay ng lipstick mo, at saka 'yang suot mo I don't like how you dress." Napamaang ako sa kaniyang sinabi at itinulak siya palayo sa akin.

"Hoy Mazer for your information wala kang karapatang pagbawalan ako. Unang-una sa lahat wala na tayo__"

"Pero nanliligaw ako sa'yo," putol niya sa susunod kong sasabihin.

"Nanliligaw ka pa lang pero hindi pa ulit kita boyfriend"

"Sorry Kristine pero maramot ako pagdating sa'yo. Ayokong may mga matang gumagala lalo na pagdating sa katawan mo"

"Bakit malaswa ba ang suot ko? Hindi naman ah! At isa pa malaya akong isuot kung ano ang gusto ko, nanliligaw ka pa lang at nasa akin pa rin ang desisyon kung babalikan pa kita o hindi," may diing wika ko sa kaniya. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya at lumapit pa ng bahagya sa akin kaya napaatras ako at lumapat ang likod ko sa malamig na pader.

"Change," utos niya sa'kin.

"Ayoko"

"Ayaw mo talaga?"

"Ayoko nga!" Nagulat na lang ako ng buhatin niya 'ko papasok sa aking kuwarto at inihiga sa kama. Itinaas niya pa ang aking dalawang kamay at pumatong sa akin na ikinalaki ng mga mata. "What do you think your doing?!"

"Sabi ko magpalit ka ng damit mo pero ayaw mo. Gusto mo bang maranasan ulit ang pagiging malandi ko sa kama?" Sabay ngisi niya sa akin. Nagpupumiglas ako pero sadyang malakas siya. Nagulat akong bigla nang maramdaman ang kaniyang kaumbukan sa may puson ko, kaya naman mas lalo bumilis ang tibok ng puso ko.

My Last Love (Mazer & Kristine)Where stories live. Discover now