CHAPTER 41

6 0 0
                                    

Pagkababa ko ng aking sasakyan ay pinasadahan ko nang tingin ang bahay na binili ko. Hindi ito katulad ng bahay na pinagawa ni Mazer na malaki at halos ilang pamilya ang kasya roon. Binalik ko na ito sa kaniya dahil mas kailangan ito ng pamilya niya at hindi na naman ako ang nagmamay-ari ng puso niya.

Isa-isa namang ibinaba sa truck ang mga gamit namin at ipinasok na sa loob. Mahahalagang gamit lang ang dinala ko at iyong iba ay iniwan ko na sa bahay dahil tanging si Mazer ang bumili ng lahat ng gamit doon.

Ayoko nang makakita kahit isa sa mga gamit niya na magpapaalala pa sa'kin, magpaalala nang sakit na ginawa niya. Mas matatanggap ko pa na hindi niya ako nakikilala ngayon at handa ko siyang ipaglaban, kaysa naman noong una palang ay niloko na niya ako at nagkaroon pa sila ng anak.

Inayos naman namin nila Mang Domeng at Rhodora ang mga gamit at inilagay ito sa ayos. Hindi naman kami nahirapan dahil napaka linis na ng bahay at ilalagay na lang namin ang aming mga gamit. Tatlo lang ang kuwarto rito at hindi katulad noong dati naming bahay ni Mazer na may anim na kuwarto.

Pagkatapos naming mag-ayos ay pabagsak naman akong naupo sa mahabang sofa at isinandal ko ang aking likod. Pumikit ako sandali at maya-maya pa'y lumapit naman sa akin si Rhodora na may dalang juice at sandwich.

"Ito ate magmeryenda ka muna." Inilapag naman ni Rhodora ang pagkain sa center table at inayos ko ang aking pagkakaupo.

"Salamat Rhodora. Kayo ni Mang Domeng nagmeryenda na ba kayo?"

"Tapos na po kami ate"

"Siya nga pala ayos lang ba kayo rito? Pasensiya na kayo Rhodora kailangan kasi nating lumipat eh," nahihiyang wika ko sa kaniya.

"Naku ate huwag po kayo mag-alala wala naman pong kaso sa amin 'yon eh"

"Si Mazer ang kumuha sa inyo pero sa akin kayo nagsisilbi ngayon." Hinawakan niya ang isang kamay ko at marahang pinisil iyon.

"Ate kahit kailan hindi ka namin iiwan. Si Kuya Mazer ang kumuha sa'min para magbantay sa'yo at may makasama ka kaya iyon ang ginagawa namin ni tatay"

"Pero wala na siyang maalala pa hindi na niya tayo kilala at isa pa__" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang yumuko ako at napaiyak dahil naalala ko na naman siya.

"Ate mahal mo pa ba si Kuya Mazer?" Doon lang ako nag-angat nang tingin at saglit na nag-isip.

Alam ko naman na sa puso ko ay siya pa rin ang laman nito sa kabila nang ginawa niya sa'kin, pero pilit ko naman siyang inaalis sa aking isipan dahil gusto ko nang makalimot at alisin ang sakit na nadarama ko ngayon.

"I still love him Rhodora," garalgal kong wika.

"Ate may kasabihan na makalimutan ka man ng isip niya pero hinding-hindi makakalimot ang puso nasisiguro ko 'yan ate. At hindi ako naniniwala na niloko ka niya dahil kita ko noon sa mga mata niya kung paano ka niya tingnan." Ngumiti lamang ako sa sinabi ni Rhodora at umiling.

Malalim na sa gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Pabali-baligtad naman ako sa aking higaan at ng hindi pa rin ako mapakali ay nagpasya akong tumayo at tinungo ang kusina. Nagtimpla ako ng gatas at pagkatapos ay bumalik ako sa aking kuwarto.

Nagtungo naman ako sa veranda at nayakap ko ang aking sarili dahil sa lamig na dumadampi sa aking balat. Napabuntong hininga ako at tumingin sa malayo. Siguro ay namamahay ako dahil nasanay ako ng mahigit dalawang taon sa bahay ni Mazer.

Napatingin naman ako sa isang pulang sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay ko at pakiwari ko'y pamilyar ang sasakyang iyon. Parang nakita ko na 'yon kung saan pero hindi ko naman matandaan. Ilang minuto pa ay kaagad din itong umalis at habol ko ito nang tingin.

My Last Love (Mazer & Kristine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon