CHAPTER 38

6 0 0
                                    

"Kuya sandali, puwede ba tayong mag-usap?" Napahinto ako sa paghakbang at paakyat na sana kami ni Jillian nang magsalita siya.

Ramdam ko ang matalim na titig ng kapatid ko sa aking asawa kaya't pinauna ko na sila sa kuwarto at hinarap kong muli si Macelyn. Karga naman niya ang anak niyang babaeng si Margaux na ngayo'y kaedad ni Arthur.

"So, what are we going to talk about?" Pansin ko naman ang panliliit ng mga mata niya na tila nagtataka.

"Why did you do that kuya?"

"Do what?"

"Bakit ka sumama kay Kristine?" napayuko ako at muli siyang tinitigan.

"Pinagbigyan ko lang si Madel"

"Is that so kuya? Alam mo sa ginawa mo lalo mo lang pinabigat ang kalooban ni Kristine, hindi lang si Kristine pala kuya kun'di si Madel. Bakit mo sinabi kay Madel ang mga bagay na 'yon? She's too young to understand that kind of situation. Kung alam mo lang kuya, she wants you out of her life!" galit niyang wika sa akin.

Ganoon ko ba talaga siya nasaktan? Hindi ko alam dahil sa marami akong iniisip ngayon. Sobra ko siyang nasaktan lalo na sa nangyari at gusto ko sana ihingi 'yon ng tawad sa kan'ya.

"Well, I'm sorry about that"

"Sorry kuya? Ni hindi ka man lang nagpaliwang sa kan'ya. Hindi mo nga siya pinuntahan para makapag explain ka dahil busy ka na sa bago mong pamilya!" sigaw naman niya sa'kin. "Oo nga pala, hindi mo alam kasi may amnesia ka. Wala kang alam sa nangyari sa kan'ya, wala kang alam kung gaano siya nasaktan at gaano ka niya hinintay!" Hindi ako makapaniwala sa isiniwalat niya at pakiramdam ko ay napaka rami ko ng kasalanan sa kan'ya.

Nakaramdam ako bigla ng sakit at pagsisisi sa aking sarili. Tama naman ang kapatid ko. Dapat kinausap ko siya at nakapagpaliwanag sa kaniya pero mas inintindi ko ang aking sarili.

Hindi ko namalayan na wala na pala si Macelyn sa aking harapan at nagtungo na lang ako sa aking study room. Naupo ako sa aking swivel chair at mariing pumikit. Maya-maya pa ay naramdaman ko na parang may nagmamasahe sa aking balikat. Napadilat akong bigla at tinignan siya, ngumiti naman siya at humarap sa akin.

"Tired?" tanong ni Jillian.

"A little bit. Si Arthur?"

"Natutulog na sa kuwarto niya. Ano palang pinag-usapan niyo ni Macelyn?" wika niya habang hinihimas ang aking balikat.

"Wala naman it's about business," pagsisinungaling ko.

Ayokong sabihin sa kan'ya ang totoo dahil ayoko na ring lumaki pa ang gulo lalo pa't galit sa akin ang kapatid ko dahil sa nangyari. Gusto kong makipag-usap kay Kristine pero hindi ko alam kung paano siya muling haharapin.

"Kumusta pala ang lakad niyo kanina? Nag-enjoy naman ba ang mga bata?" saglit akong hindi nakapagsalita at tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa aking balikat at hinawakan ito.

"Nag-aalala ka ba?"

"B-bakit mo naman naitanong?"

"Kasi kasama ko si Kristine," ngumiti lang siya sa'kin ng pilit at tila maiiyak na.

"Ex mo siya right? At matagal na rin naman kayo. Siguro may karapatan naman akong magselos"

"You don't have to, she's part of my past at ikaw na ang asawa ko 'di ba?"

"Paano kung bumalik ang mga ala-ala mo? Tapos maalala mong siya pala ang mahal mo? Let's get married Mazer. Gusto kong may basbas na tayo ng simbahan." Hindi ako tumugon at nanatili lamang akong nakatingin sa kan'ya.

Tumayo ako at hinawakan ang magkabilang balikat niya at maya-maya'y hinaplos ang kaniyang mukha. Taka niya akong tinitigan at hinihintay ang aking isasagot.

My Last Love (Mazer & Kristine)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz