CHAPTER 17 WARNING!

10 0 0
                                    

Pagkatapos ng mainit na tagpo namin sa aking opisina ay nagpahinga muna kami saglit at umalis na rin. Nagpaalam muna ako sa aking boss na magdaday-off muna ako kinabukasan dahil gusto kong magkaroon muna kami ng quality time ni Mazer bilang magkasintahan ulit. Hindi naman mapuknat ang pagkakangiti ko habang siya ang nagmamaneho ng aking sasakyan at hawak nito ang isa kong kamay. Nakasandal ako sa aking upuan at pinagmamasdan ang guwapo niyang mukha.

"Why are you looking at me like that sweety? You want some more?" nakangising wika niya habang nasa daan pa rin ang kaniyang atensyon. Napaikot naman ang aking mata at nakangiti siyang tinitigan.

"I want to make love with you all night and all day my heart. Pitong buwan akong tigang dahil nakipagbreak ka sa 'kin," paghahamon ko naman sa kan'ya.

"Well I like that sweety, ihi lang ang magiging pahinga mo"

"Hindi ka ba nag-aalala sa kumpanya mo my heart? Syempre ikaw ang boss paano kung hanapin ka nila?"

"Are you worried about my company huh?" sabay halik niya sa likod ng aking palad.

"Of course I do. Pinaghirapang itaguyod 'yon ng daddy mo and of course you. Ayoko namang malugi 'yon ng dahil sa 'kin." Narinig ko pa ang mahinang pagbuntong hininga niya at saglit akong sinulyapan.

"Nagtatrabaho naman ako habang busy ka rin sa sarili mong trabaho, " kunot noo ko naman siyang tinitigan.

"How?"

"Zoom meeting"

"Oh, I see. Buti hindi ka nila pinapauwi?"

"Remember sweety I'm the boss," sabay kindat naman niya sa akin na ikinakagat ko ng ibabang labi ko. Kahit na matagal na rin kaming magkasintahan ay hindi pa rin nawawala ang kilig ko sa kan'ya lalo na kapag nakikita ko ang buong katawan niya. Ewan ko ba kung bakit nagiging mahalay ako pagdating sa kan'ya. Ganito siguro kapag mahal mo ang isang tao.

"Syempre kailangan ka rin sa kumpanya mo 'di ba?"

"Ayaw mo na ba akong makasama?"

"Hindi naman sa ganoon Mazer. Syempre gustong-gusto kitang makasama as in! Kaso kailangan ka rin ng mga empleyado mo. At ayokong ako ang maging dahilan ng pagbagsak ng kumpanyang pinaghirapan niyo ng daddy mo"

"Kaya kong magsakripisyo at bumaba sa puwesto ko just for you." Saglit akong natigilan at napaiwas na lang ng tingin sa kan'ya. Hindi ko namalayang nasa parking lot na pala kami ng tinutuluyan ko. Hindi ko alam pero parang biglang may kumurot sa puso ko pagkasabing iyon ni Mazer.

"Hey sweety why are you crying?" pinunasan ko naman ang luha kong dumaloy sa aking pisngi.

"It's nothing"

"May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?"

"Wala my heart. Hindi mo naman kasi dapat isakripisyo 'yong trabaho mo para sa 'kin. We can be together ng walang dapat i-give up"

"Sweety, this is my decision at hindi naman mawawala ang kumpanyang pinaghirapan namin ni daddy dahil kukuha naman ako ng mapagkakatiwalaan at saka nandiyan naman ni Mace na puwedeng magmana ng kumpanya." Nakatitig lang ako sa kaniya habang sinasabi niya 'yon. "Ayoko namang iyong career mo ang isakripisyo mo dahil alam ko kung gaano mo kagusto ang propesyon mo. I'm okay sweety, you don't have to worry about me okay? you know that I'm always here to support you at iintindihin ko na ang lahat ng desisyon mo sa buhay." Masuyo niya akong hinalikan sa aking mga labi at napayakap na lang akong bigla sa kan'ya.

"My heart baka may makakita rito," wika ko ng biglang bumaba ang mga halik niya sa aking leeg. Huminto siya at nginisian ako.

"Ready ka na ulit sweety?" napakagat labi ako at pinadausdos ko pa ang aking palad sa kaniyang dibdib.

My Last Love (Mazer & Kristine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon